Imbes na magmamaktol dahil sa lubos na kapahamakan ng mga magsasaka ng gulay sa Benguet na labis na sinalanta ng walang humpay na pag uulan dahil sa bagyong “Carina”, direktang inalalayan ni Benguet congressman Eric Go Yap ang kanyang mga sinasakupan. Binili mismo ng butihing mambabatas ang 100 toneladang repolyo at iba pang produktong gulay upang ipamudmod ng libre sa Metro Manila.
Ipinangambang mabulok sa mga sakahan ang napakaraming gulay mula sa mga sakahan sa Benguet dahil sa pagkasira ng mga kalsada mula sa Northern Benguet hanggang sa mga merkado sa lowlands. Labis ang kapahamakan sa mga magsasaka ng Benguet ang dinulot ng mahabang pag uulan, kanya’y hindi nag atubiling umalalay din si Yap sa pamamagitan ng pamimigay ng libreng pagkain sa vegetable traders na pumila sa Benguet
Agri-Pinoy Trading Center upang maghintay sa mga bibili ng kanilang panindang gulay.
Bukod sa direktang ayuda sa mga magsasaka, katuwang ang paninilbihan ng Kongresista sa pamamagitan ng pagbalangkas ng batas upang pahintulatan ang Department of Agriculture (DA) upang maisaayos ang presyo ng mga madaling mabulok na mga gulay. Batid ni Yap na ang pagbulusok ng presyo ng mga gulay dahil sa mga sakuna’y lubos na makakapaminsala sa kabuhayan ng mga magsasaka at labis na pagkalugi.
Ang panukalang batas ni Yap na HB 9889, ay magtatalaga sa Bureau of Agriculture and Fisheries Standards, ng
responsibilidad upang bumuo ng mga pamantayan sa pagtatag ng patas na presyo sa mg amabilis na mabulok na mga gulay. Ito’y magbibigay sa mga magsasaka ng safety nets at magsisiguradong hindi malulugi ang mga ito. Ayon pa sa panukala, pag nagkaroon ng surplus sa supply ng gulay, itinatalaga na bilhin ng DA ang mga gulay mula sa mga magsasaka ayon sa naitatag na farmgate prices upang maiwasan na mabulok ang mga ito at maisiguradong hindi malugi ang mga magsasaka.
Kung ang suplay naman ng gulay ay sapat, lahat ng ahensya ng pamahalaan ay minamandatong bumili sa mga
magsasaka ng gulay para sa kanilang food-related programs. Ngunit kinakailangang irehistro ng mga magsasaka ng
gulay ang kanilang mga madaling mabulok na mga produkto para sa nararapat na pagmomonitor ng presyo at suplay. Itatalaga ng panukalang batas na mabuo ang isang inter agency council upang ma monitor ang presyo ng gulay, na uupuang bilang chairman ng Kalihim ng DA at lalahukan ng mga Kalihim ng DTI, DILG at NEDA. Kumpleto rekado ang serbisyong Yap sa Benguet!
August 17, 2024
August 17, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
August 31, 2024