Towing ordinance operations, pansamantalang itinigil

LUNGSOD NG BAGUIO – Inilunsad ngayong taon ang implementasyon ng “Towing Ordinance” sa ilalim ng lehislatibong lokal upang magkaroon ng maayos na takbo ng daan sa lungsod at maiwasan ang matinding traffic.
Ang nasabing ordinansa ay pinamunuan ng ng City Engineering Office sa ilalim ng operasyon ni Police Chief Inspector Oliver Panabang ng Traffic Management Unit.
Sinabi ni Panabang sa isang press conference sa Baguio City Police Office (BCPO) noong nakaraang Linggo na pansamantalang itinigil muna ang ordinansa sa “towing” o ang paghila ng mga sasakyang illegal na nakaparada sa ilang lugar sa lungsod, desisyon na aniya ay
unang sinang-ayunan ng City Engineering Office (CEO).
Sa panayam kay Panabang, sinabi niya na, “ang operations lang ang temporarily stopped due to certain problems about the impounding areas.
Actually, hindi lang ‘yun kundi pati ‘yung team na mag-cocondcuct at mag-iimplement ng ordinansa, dahil may gray areas na kailangang i-address.”
Nagsimula ang ang paghinto sa Towing Ordinance noong nakaraang linggo, ani Panabang.
Sinabihan ng CEO si Panabang na kailangan munang itigil ang operasyon dahil obligadong sundin muna ang ilang nakasaad sa ordinansa.
Ayon sa ordinansa, dapat mabuo muna ang mga dapat mamuno sa operasyon na magmumula sa PNP, CEO, at iba pang grupong makakatulong sa pagpapatupad ng towingordinance sa lungsod.
Binanggit ni Panabang bilang suhestiyon na mas maganda kahit hindi na kailangang pili ang magiging kasapi sa operasyon, ang kailangan ay may kaalaman at handa sa ordinansa.
“Sa akin naman, mas maganda siguro na kahit hindi na composite. Kahit may specific na tao talagang sila na ang mag-coconduct then titignan na lang namin kasi hindi naman mahirap gawin,” dagdag ni Panabang.
Sa panayam kay Panabang, binanggit din niya na kailangan munang ayusin ang Towing Ordinance kabilang na ang problema sa impounding areas at ordinance team upang magkaroon ng tuloy-tuloy at maayos na serbisyo para sa lungsod mula sa CEO at Traffice Management Unit ng BCPO.
 
Paul Brian T. Baldoza, UC Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon