Trading post sa Benguet, hindi magsasara – Mayor Salda

LA TRINIDAD,  BENGUET – Iginiit ni La  Trinidad Mayor Romeo Salda na ang lumang trading post ng mga gulay ay hindi magsasara kahit nakabinbin pa ang pagkumpleto ng rehabilitasyon ng nasabing pasilidad, upang ipagpatuloy ang pagtitinda sa lugar sa kabila ng konstruksiyon.
Sinabi ng mayor na paninindigan niya ang kanyang pangakong protektahan ang interes ng stakeholders ng La Trinidad Vegetable Trading post, at hindi kailanman papayag na isasara ang trading post.Ang konsultasyon sa mga stakeholder ang unang dapat gawin upang malutas ang mga isyu at mga alalahanin ng mga mangangalakal at magsasaka na kinasasangkutan ng pagpapatupad ng rehabilitasyon ng lumang trading post, aniya.“We’re not closing the vegetable trading post. What we’re doing today is the implementation of rehabilitation project of the trading post, which is a commitment of the Department of Agriculture (DA) head office,” aniya.
Nauna rito, sinabi ng mayor na sinusuportahan niya ang resolusyong ipinasa ng Sangguniang Bayan na nagpapaliwanag na ang pagpapatibay ng kontrata para sa pagsasaayos ng La Trinidad vegetable trading post ay makakaapekto lamang sa isang bahagi ng pasilidad, at hindi kinakailangang isara ang buong establisimyento.“This project granted by the National Government for the improvement of our Trading Post can be implemented without necessarily closing the facility,” diin ni Salda.
Sinabi pa niya na ang munisipalidad ay mawawalan ng tinatayang P30 milyon na kita ng buong taon kung isasara ang trading post, na hindi kakayanin ng lokal na pamahalaan.“I will stand firm with this position considering the significance of the economic facility as a source of income of the municipal government and foremost, as provider of livelihood for thousands of our constituents,” pagtatapos niya. DIONISIO DENNIS JR./PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon