Nakapangulimbat ng limpak-limpak na salapi ang utak, opisyal at mga galamay ng New Seataoo Corporation at Seataoo Information Technology, OPC (Seataoo OPC) sa pamamagitan ng iligal na panglilikom ng investments sa ibat-ibang dako ng Pilipinas at marahil kahit sa abroad. Ayon sa mga dumulog at naghain ng pormal na reklamo sa Securities and Exchange Commission (SEC), nalinlang silang mag-invest mula sa P20,000 hanggang P2.3M at nangarap na mapalago ang pinaghirapan nilang pera sa pangakong 7-12 porsyentong kita.
Sa pamamagitan ng Facebook at Youtube, nilinlang ng Seataoo Group na pinamumunuan nina Anna Rose Jangao Tero, Jonathan Tuazon Garcia, Danny Tuazon Sudaria, Lew Yean Yee, Seow Kai Sheng, Dylan Lim, at Seataoo OPC’s single stockholder, Jayson Corono Clidoro, ang mga kawawang investors sa pamamagitan ng “dropshipping e-commerce platform” kung saan ineenganyo ang mga itong maging online seller ngunit kinakailangang mag-deposit ng pera upang ma-process ang orders. Mayroon pang tinatawag na “affiliate program” ang Seataoo Group kung saan ang mga investors o online sellers ay makakuha ng 3 porsyentong referral commission.
Sa tabing ng mandatory funding ng mga individual accounts ng investors, ayon sa pag-usisa ng SEC, nakapaglikom ang Seataoo Group ng unregistered securities, bagay na mahigpit na ipinagbabawal ng Securities Regulation (SRC) ng Pilipinas. Malinaw ang panloloko at panlilinlang ng Seataoo Group dahil ipinagpatuloy ng utak, mga opisyal at galamay nito ang gawaing labag sa batas kahit napawalang-bisa ang SEC registration nito noong June 10, 2024.
Binalewala na rin ng SEC en banc nitong December 26, 2024 ang motion for reconsideration sa “Order of
Revocation” ng SEC registration ng Seataoo Group dahil sa “lack of merit”.
Pinilihan na ng karampatang pormal na criminal offenses ang Seataoo Group, pati ang mga opisyal at galamay nito at inaasahan ng mga biktima na sa lalong madaling panahon, isampa na ng state prosecutors ang mga kaso ng mga
personaheng sangkot sa scam. Inaasahang walang pag-aatubili ang mga otoridad upang tugisin ang mga
scammers ng Seataoo Group bago pa man makatakas sa Pilipinas
February 15, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025