TULAK NG MARIJUANA NA WANTED HULI SA “HOT PURSUIT” SA KALINGA

Headlines

TABUK CITY, Kalinga – Isang wanted sa kasong illegal drugs ang sugatan matapos makipag-barilan sa pulisya nang ihain sa kanya ang warrant of arrest at nagkaroon ng hot pursuit hanggang sa masakote ito.

Sinabi ni Kalinga PPO Provincial Director Davy Limmong, noong Setyembre 7 ay nakatanggap sila ng impormasyon na isang Toyota Fortuner na may plakang VV 1195 na galing ng Maynila ay nasa Tabuk City para sunduin si Victor Guimba na may dalang marijuana.

Ayon kay Limmong, si Guimba ay isa sa suspek na nakatakas noong Abril 18,2021, matapos inabandona nila ang kanilang sasakyan na Mitsubishi Adventure na kargado g 311 marijuana bricks at ito may standing warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 9165.

Agad nagsagawa ng operation ang mga tauhan ng Provinial Intelligence Unit, Tabuk City Police Station, anti-illegal task groups at Philippine
Drug Enforcement Agency at namataan ang nasabing sasakyan sa may National highway ng Bulanao-Nambaran, Tabuk City, Kalinga.

Ayon kay Limmong, habang papalapit ang operatiba sa sasakyan ay nakita na lulan si Guimba at nang ihahain na ang warrant of arrest ay bigla silang pinaputukan ng baril ng suspek at saka mabilis na kumaripas ng takbo ang sasakyan, patungong Sitio Mapaoay, Barangay Ipil.

Nagkaroon umano ng habulan hanggang magsagawa ng blocking ng sasakyan sa dadaanan nito ang ibang nakaabang na operatiba,subalit sa halip na huminto ay nakipagbarilan ito, hanggang sa bumulusok sa palayan ang sasakyan.

Agad na isinugod sa ospital ang sugatang si Guimba, sam, ng Pacak, Agbannawag, Tabuk City.

Narekober sa loob ng sasakyan ang 10 pirasong dried marijuana bricks na timbang na 10,000 grams at may Standard Drug Price na P1, 200,000.00; isang Cal 9mm smith and wesson with serial number 477163 with one magazine loaded with 4 live ammunations; dalawang hand grenade; cash money na P1,3750.00; isang black Samsung at isang black bag containing assorted documents.

Zaldy Comanda/ABN