TURISMO SA BAGUIO CITY, MULING SUMIGLA

BAGUIO CITY

Ipinahayag ng Hotel and Restaurant Association of Baguio (HRAB) ang muling paglago ng turismo
sa Summer Capital, particular na sa hotel industry na isa sa labis na naapektuhan noong panahon ng pandemya. Sinabi ni Andrew Pinero,tagapagsalita ng HRAB, dumadami na ang occupancy sa
mga accommodation establishments,lalo na noong summer season na pinagaan ng siyudad ng Baguio ang limitasyon sa pagtanggap ng mga turista.

Sa panahon na mahigpit ang quarantine noong 2020, ay mayroong naitala ang tourism industry na kabuuang P1.46 bilyon na pagkalugi. Ang halaga ay nakabatay sa 540,373 local tourist arrivals mula Pebrero hanggang Mayo 2019, na kino-kwenta sa pangaraw-araw na paggasta na P2,700 bawat tao kada araw. Sa isang panayam, ibinahagi ni Pinero na ang ating tinatawid na daan patungo sa pagbangon ay paunti unting umi-ikli. Kung dati ay nakita natin na aabutin ng limang taon bago tayo makabalik sa dati, ngayon ay mukhang magagawa natin ito sa loob ng tatlong taon lamang.

Ayon kay Pinero, kanilang napansin base sa hotel bookings na nadagdagan ng 15 hanggang 20 na porsyento ang mga dumarating na turista kada buwan. Higit pa dito, ang karaniwan na hotel occupancy sa siyudad ay nasa 80 porsyento na. Mas mataas pa kumpara sa dating 60 hanggang 65 porsyento noong bago pa mag umpisa ang pandemya. Dagdag pa niya, noong una pa lamang na
naguumpisang tumanggap muli ng mga bisita ang siyudad ng Baguio, ay patuloy na dumarami
ang mga dumadating na turista. Kung magpapatuloy pa ito, ay tiyak na mapapabilis ang muling
paglago ng ekonomiya sa lungsod.

John Mark Malitao/UC-Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon