BAGUIO CITY
Matapos ang ibagsak ng Covid 19 ang turismo ng lunsod ay bumawi naman ito na kung saan ay umabot ng 1.031 milyon ng turista ang dumagsa sa lunsod ng Bgauio noong taong 2023. Ayon sa ulat ni City Tourism Officer Aloysius
Mapalo sa isinagawang management Committee meeting Committee noong Hulyo 30, 2024 ay umabot umano sa 1.031 milyon ang dumagsang turista sa lunsod . Subalit ang pinakamataas na tourist arrival ay naitala noong
2018 na kung saan ay umabot ng 1,760,729 ang mga turistang umakyat sa Baguio.
Sa salaysay ni Mapalo “ The city had 1,042,309 in 2022; 247,480 in 2021; 1,536,458 in 2019; 1,521,748 in 2017; and
1,294,906 in 2016”. Idinagdag pa ni Mapalo na “ these figures only covered data of tourists staying overnight as reported to the city government by accredited a c commoda t i on establishments (AEs) in compliance with Ordinance No. 120-2017 or the Tourism Statistics Standards of Baguio City and did not include tourists who were not reported by the AEs and the day tourists who did not stay overnight”.
Aniya ang annual na arrival ng mga turista sa lunsod ay masasabing umaabot sa 3 hangang 4 na milyon subalit ang iba ay hindi naitatala dahil ang iba aniya ay hindi nananatiuli sa Baguio kundi namamasyal lamang at pagkatapos ay uuwi rin kinagabihan ang iba naman ay hindi naiuulat dahil ang iba ay tumitira lamang sa mga transient houses.
“This means that we have 20,000 to 30,000 average weekly arrivals, more than 70 percent of these happen during weekends. This can double to up to 60,000 during peak season weekends usually during summer and Christmas seasons or during long weekends,” paliwanag pa ni Mapalo.
Sa naitang pagdagsa ng mga turista noong taong 2023 ay may naitalang 0.64 percent ay mga dayuhan at halos 99.36 porsiyento naman ay domestic tourist. “We are not really attracting a lot of foreign tourists. Mostly they are targeting other Cordilleran destinations and they only pass by our city,” ayon pa ni Mapalo. Ang lunsod ng Baguio ay isang pangunahing tourist destination hindi lamang sa mga Pilipino kundi maging sa mga dayuhan . Nasa pang 5 pa rin ang Baguio sa mga pinipiling bisitahin ng mga turista sa bansa. At dahil dito aniya ang turismo ay nagbibigay ng 20 porsiyento sa Gross Domestic Produc (GDP).
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang isang turista umano ay gumagastos ng P2,000-P4,000 sa bawat araw o 1.4 average kada araw na siya ay nakapinsan sa lunsod na masasabing may P15 bilyon sa annual gross receipts.
Aileen P. Refuerzo/Baguio-PI
August 2, 2024
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025