UNANG VINTAGE PHOTO BOOTH SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Kinagigiliwan ngayon ang bagong pakulo ng isang studio, ang kanyang ginawang unang vintage photo booth na matatagpuan sa La Azotea Building,Session Road,Baguio City. Noong Marso 28 nang binuksan ito sa publiko ng Session Road Self-Shoot studio, na matatagpuan ito kapag walang ibang event. Unang iprinisinta din ito sa Baguio Craft Fair noong noong April 6-7. Marami ang nagtanong na kliyente tungkol sa serbisyo ng photobooth, at dahil dito, naisipan ng may-ari gumawa ng vintage na konsepto nito.

Bukod pa dito ay may mga pwedeng gamitin mga props at backdrops ang mga kliyente. Ang photobooth ay nagdulot ng maraming hamon dahil walang umiiral na plano na naayon sa kanilang nakikita. Naghanap rin sila ng iba’t ibang materyales at dumaan sa maraming trial & error sa proseso ng kontruksiyon, ngunit ang resulta ay naging maayos.  Upang ipakita ang kahalagahan ng kanilang vintage booth ay binibigyan diin nila ang paggamit ng photobooth para mayroon silang kopya ng kanilang alaala sa Baguio City.

Ito ay nag-aalok sa mga lokal na bisita at mga turista na ituloy ang pag kuha ng mga magagandang alaala. Ang photobooth rin ay maaari din marentahan ng kung sinuman ang may nais nito sa kanilang mga event tulad ng launch parties, listening party, birthday parties, at iba pa. Ayon kay Renzel Martinez, may-ari ng vintage photobooth, ang inspirasyon nitong konsepto ay nagmula sa pagnanais na magbigay ng espesyal na karanasan para sa mga kliyente na naghahanap ng serbisyong photobooth sa mga sarili nilang ganap, at dahil ito ay pag-alala sa mga klasikong analog photobooth noong dekada 1920s.

By Via Cadiente/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon