VLOG CREATIVE MEDIA WORKSHOP, ISINAGAWA SA BENGUET

Dalawampu’t isang kalahok na mga estudyante ang nakilahok sa Vlog Creative Media Workshop na programa ng BIYAG Festival na ginanap sa ginanap sa BadTheWrong Café,noong Abril 23.

Photo by Shine Grace Estigoy/UB Intern/ABN


LA TRINIDAD, Benguet

Sa selebrasyon ng ikatlong taon ng Benguet Indigenous Youth Arts Guild Festival 2024, sa ilalim ng programang Digital Day,ay isinagawa ang Vlog Creative Media Workshop upang mahubog ang pagkamalikhain ng mga kabataan ng Benguet, noong Abril 23. Ang programang ito ay inorganisa ng Office of the Provincial Government sa pamamagitan ni Dr. Ryan Guinaran, Executive Assistant at nagsilbing Chair of Technical Working Team ng BIYAG Festival.

“We wanted to guide the youth into coming up with more relevant and issue based issues that they could cover, issue based materials that could also help the province in terms of promoting it, in terms of showing good values, anything admirable about Benguet and mga kabataan”, pahayag ni Guinaran. Ang workshop ay ginanap sa BadTheWrong Cafe, pinakaunang pagkakataon na naganap sa labas ng Kapitolyo kung saan madalas ito ay idinadaos.

“As we help local entrepreneurs and local talents, expose people to different environments where their creativity can thrive, hindi naman yong classroom setting lang lagi”, paliwanag ni Dr. Guinaran. Ang cafe ay pagmamay-ari ni Freddie Gaynat, isa sa mga napiling tagapag-salita. Maliban dito, siya rin ay kilala sa paggawa ng mga “content”
patungkol sa Igorot cultural videos at educational videos.

Matapos manalo ng Benguet Positive Values award taong 2022 at Information and Education award dalawang taon na mula nang magsimula ang BIYAG Festival, muling nominado si Gaynat sa ilalim ng Information and Education awards ngayong taon. Nang tanungin sa kanyang naramdaman sa pagpili ng kanyang cafe bilang venue, “Business wise it’s nice, secondly, it’s new because the common set up of these kind of seminar-workshops are on government offices, or gymnasiums.

They wanted something different, and make it like feel at home and feel like more local. I think that’s the best thing now since we’re dealing with the youth”, paliwanag ni Gaynat. Ang programa ay mayroong pang-umagang leksyon na itinuro ni Gaynat kung ano nga ba ang creative media at kung paano nga ba gumawa ng creative content. Ibinahagi niya rin dito ang kanyang mga karanasan bilang limang taon ng content creator.

“Build yourself up, build your confidence, once you do that then you will learn to love yourself and then expand to others, you will be able to influence other people”, mensahe ni Gaynat sa lahat ng mga nagnanais gumawa ng “content videos.” Samantala, ang pang-hapong sesyon naman ay pinangunahan ni Paul Joseph Nuval, Associate Professor II sa Department of Development Communication ng Benguet State University (BSU).

Dito ay itinuro niya ang teknikal na aspeto ng paggawa ng mga “content videos” at pagkatapos ay nagkaroon ng workshop ang mga kalahok, ay gumawa at nag “edit” ng sarili nilang videos Ang Vlog Creative Media Workshop ay dinaluhan ng 21 na estudyante mula sa iba’t-ibang paaralan tulad ng BSU, Cordillera Career Development College (CCDC), at King’s College of the Philippines (KCP).

By Shine Grace B. Estigoy/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon