Mula sa pagiging kauna-unahang Featherweight Champion ng Universal Reality Combat Championship, One Championship Fight of the Night Awardee, na ngayon ay isa nang guro para sa mga nangangarap maging martial artist. Si Eric Kelly,tubong Cordillera at binansagang ‘The Natural’ ay kauna- unahang tumanggap din ng One Warrior Bonus, dahil sa kanyang natural na lakas sa loob ng ring,
Matapos mag retiro sa edad ng 40, ay naging abala si Kelly sa pagtayo ng kanyang business na peanut butter na Mountainut sa kagustuhan na ituloy ang tinapos niya na Business Education Major in Business Management. Sa paglayo niya sa mundo ng MMA para sundin ang pagiging isang entrepreneur, mas lalo niyang nararamdaman ang pagkasabik na manumbalik sa mundong nagbigay sa kanya ng parangal at pagkilala sa bansa.
Noong 2023, inimbita si Kelly na maging isang guro ng martial arts sa Maharlika Martial Arts Center (MMAC), na matatagpuan sa rooftop ng Maharlika Livelihood Complex, Baguio City. Sa ngayon ay nagbibigay na siya ng mga libreng klase sa martial arts tuwing linggo sa MMAC para sa mga nais mag aral ng martial arts mula bata hanggang matanda.
Mayroon na rin siyang mga scholars na tinutulungan tulad nila Jovel at Joni Cordoval na magkapatid na nagbabantay sa kanilang pwesto. Pinapayagan rin nila ang mga instructor ng MMA na gamitin ang lugar para sa kanilang mga sariling training. Layunin ng MMAC na gawing sentro ng MMA community sa Pilipinas ang
lugar tungo sa pagkakaisa ng lahat para maiangat ang MMA ng Pilipinas laban sa ibang bansa.
Ayon kay Kelly, ang mga Pilipinong MMA fighters ay dapat ang nagkakaisa para lumaban sa international competition, at hindi dapat tayo o’ kapuwa Filipino ang naglalaban-laban sa isa’t isa. Iginiit niya na magandang adbokasiya ang paghikayat sa mga kabataan na sumubok sa MMA dahil ito ay nagsusulong ng magandang aral,
sportmanship at isang magandang gawain para malayo sila sa mga masasamang gawain o bisyo.
Magkakaroon naman ng Amateur Games Sparring sa Maharlika rooftop sa Abril 27 at ibubukas ito sa publiko, para ipakita ang mga natutunan ng mga estudyante sa pamamagitan ng basic fights sa loob ng ring. Ipapakita naman sa laro ang sportsmanship, fair matching, at fair judging na dapat sinusunod sa bawat laro ng MMA na isa ring isinusulong ni Kelly.
July 14, 2024
April 30, 2024
April 30, 2024
April 30, 2024
April 12, 2024
April 12, 2024