UNANG PEACE CENTER ITATAYO SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Ipinahayag ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) na itatayo ang kauna-unahang Peace Center ng Northern Luzon sa siyudad ng Baguio. Pinangunahan nina OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr. at Mayor Benjamin Magalong ang seremonya ng pirmahan memorandum of agreement bilang kasunduan sa pagtatayo ng pasilidad na ginanap noong Pebrero 20. Ang pasilidad na nagkakahalaga ng P50 milyon na itatayo sa Upper Session Road at maglalaman ng mga tauhan ng OPAPRU na nakabase sa Cordillera.

May lawak na 3,775 metro kuwadrado ang pasilidad at maglilingkod din itong daan para sa pagdaraos ng mga
talakayan sa kapayapaan, pagsasanay sa kakayahan at kasanayan, seminar para sa kababaihan at kabataan sa
kapayapaan at seguridad, at ang pagsasanay sa mga pamamaraan ng paglutas ng mga alitan na nagmula sa Cordillera. Maglilingkod din ang pasilidad bilang isang sentro ng kaalaman at pag-aaral sa kapayapaan sa lungsod, pati na rin bilang isang sentro ng kumperensya kung saan maaaring idaos ang mga pulong at seminar.

Sinabi ni Magalong na ang ideya ng pagtatatag ng isang peace center sa lungsod ay nagsimula sa isang casual na
pag-uusap niya kay Galvez sa isang pagtitipon sa Philippine Military Academy (PMA) noong Setyembre ng nakaraang taon. “He was mentioning to me the different programs of OPAPRU and the fundings for the programs. He also mentioned the peacekeeping and reconciliation programs to which we both agreed to suggest that we can put up a peace and development center here in Baguio City,” pahayag ni Magalong.

Ang inihahandang peace and development center ay isinama sa pondo ng Programa para sa PAyapa at MAsaganang
PamayaNAn (PAMANA) para sa taong pananalapi 2024. Ang matagumpay na pagsama ng proyekto ay nagresulta matapos na isagawa ng mga tauhan ng OPAPRU ang pagsusuri at pagsasanay sa lugar. Ang PAMANA Program ay ang pambansang programa ng pamahalaang pambansa para sa kapayapaan at kaunlaran na bahagi ng malawakang proseso ng kapayapaan ng Pilipinas.

Upang mapadali ang implementasyon ng mga proyektong PAMANA para sa taong piskal 2024 at upang bigyang-pansin ang mahalagang papel ng mga lokal na pamahalaan sa pagtaguyod ng kapayapaan, nakipagugnayan ang OPAPRU sa pamahalaang lungsod ng Baguio para sa implementasyon ng proyekto sa kanyang nasasakupan. “We are looking forward to a very strong partnership and collaboration with regards to this joint venture and that is, the construction of a peace and development center, the first of its kind in Northern Luzon. I also heard that there would be more peace and development centers that will be put up in other parts of this country,” ani Magalong.

Sa kanyang bahagi, sinabi ni Galvez na ang peace center ay maglilingkod bilang isang konkretong simbolo ng
pagkilala ng OPAPRU sa papel ng Cordillera sa pagpapayapa na may malalim na ugat sa kanilang mayamang kultura at tradisyon tulad ng Bodong system, Pechen, Tung-Tong at Mediation. “This facility will not only house OPAPRU personnel, but more importantly, enable our office to make its presence more felt here in the region. Through the center, we will ensure that all local peace and development efforts will be well-monitored, well-coordinated and wellsupported by OPAPRU through its close collaboration with other stakeholders in the region,” pahayag pa ni Galvez.

Phoebe Allec Perez/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon