Unang regional evacuation center, itinatayo sa LU

Feb 11, 2017

BACNOTAN, LA UNION – Malapit nang matapos ang kauna-unahang regional evacuation center ng Region 1 na maaaring magamit ng mahigit na 500 evacuees sa panahon ng kalamidad sa Barangay Agtipal ng Bacnotan, La Union.
Sinabi ni Engineer Helino Laureaga, regional project engineer of the Department of Public Works and Highways (DPWH-1), na ang proyekto ay mayroong land area na 3,000 square meters at may fund allocation na aabot sa P22,786,068.50 ay ipapatupad ng kanilang regional office sa pakikipagtulugan ng local government unit ng Bacnotan.
Ang mungkahi sa aktuwal na kayarian ng proyekto ay two-storey, 600 square meter na gusali kung saan kaya nitong maglaman ng hindi bababa ng 500 katao sa ikalawang palapag. Sa ground floor naman ay makikita ang dining area, kitchen, breastfeeding area, prayer room, storage room, communication room at lobby area.
Dagdag pa ni Laureaga na magkakaroon ng hiwalay na three-storey laundry o drying building na mayroong water tanks, dalawang hiwalay para sa lalaki at babaeng banyo at kubeta, pump room, generator at power room, at garbage disposal building.
Sinabi pa niya na sa harap ng evacuation center ay mayroong hiwalay na gusali para sa 75 square meter bungalow type kung saan gagamitin bilang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council operations center (RDRRMC-OpCen).
Sa tanong kung bakit sa Bacnotan itatayo ang nasabing gusali, aniya ang pagbaha, partikular sa mga barangay na matatagpuan sa kabayanan, ang matagal nang suliranin ng munisipalidad sa panahon ng bagyo.
“This may seem a usual scene but that does not limit the use of this on-purpose structure only to residents of Bacnotan or the nearby towns in La Union,” aniya.
Bilang regional evacuation center, ang imprastraktura ay magsisilbi sa mga mamamayan mula sa apat na probinsiyang apektado ng anumang sakuna lalo na kung ipapatupad ang evacuation.
Ayon naman kay Engr. Janwell Pacio ng JAN PAC Engineering and Construction Services, isa sa mga pangunahing kontraktor ng proyekto, ang proyekto na sinimulang gawin noong Nobyembre 26, 2016, ay may humigit-kumulang 30 percent na pagkayari at planong matapos hanggang Setyembre nitong taon o mas maaga pa.
Ang mga kontraktor ng proyekto ay ang JAN PAC at BET Construction and Supply.
Maliban sa pagiging disaster-related, ang proyekto ay nakakatulong na makapagbigay ng trabaho sa 32 laborers na nanggagaling sa Bacnotan at San Fernando City ng La Union.
Samantala, sinabi ni Engr. Dominic de la Cruz ng DPWH Planning Division, ang parehong proyekto ay maitatayo rin sa probinsiya ng Pangasinan at Ilocos Sur, at nasa ilalim na ng pagsusuri para sa hinaharap. MPA/PIA-La Union / ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest