Unity walk sa daang matinik

Jan 21, 2019

Noong nakaraang Enero 13,2019 ay nagdaos ng malawakan at pambansang Unity Walk, Peace Covenant at Inter-Faith Prayer Rally sa pangunguna ng Commission on Elections (Comelec) na dinaluhan ng libo-libong kandidato na sabay-sabay pumirma sa isang pangakong pananatilihin at sisiguruhin ang isang tapat at makatotohanang halalan 2019. Hudyat din ito ng opisyal na umpisa ng panahon ng eleksiyon. Dinaluhan din ng mga multi-sectoral groups, stakeholders, personnel at mga miyembro ng government agencies, religious groups, academe, mga estudyante, civic at ibang non-government organizations ang nasabing aktibidad sa buong bansa.
Sa kabila ng puspusang panawagan ng Comelec sa aktibidad na ito ay napansing hindi lubos ang pakikiisa ng mga kandidato at sa katunayan ay may mga lugar na wala pa sa kalahati sa kabuuang bilang ng mga kandidato ang lumahok sa aktibidad. Marahil ay may kani-kaniyang dahilan ang mga ito sa hindi pagdalo at pagsali. Subalit maliwanag lamang ang ibig sabihin nito – hindi sila interesado sa mapayapang halalan.
Sa Unity Walk, pagpirma sa Peace Covenant at pagdinig sa Inter-Faith Prayer Rally ay nangako ang mga kandidato na respetuhin ang pamantayan ng pag-uugali na inaasahan sa isang public servant at mangakong magsagawa ng isang malinis na kampanya habang pinapanatili ang pantay-pantay, kagandahang-asal, pagiging tapat at magandang loob. Gayundin ipakita ang kahinugan ng pag-iisip ng mga kandidato sa pagsunod sa mga patakaran at regulasyon ng halalan.
Hindi rin maiwasang pagdudahan ang kahihinatnan ng napipintong halalan dahil sa nakaraan, sa naunang eleksiyon ng barangay at Sangguniang Kabataan ay may mga naganap na insidente ng katiwalian, karahasan, mga paglabag at pagpatay. At ngayong nalalapit na mid-term election ay may mga kaso na ng pagpatay, mga insidente ng pagtambang, mga paninira, paninindak na kahit di-tuwirang ituring ng mga awtoridad na walang kinalaman sa politika ay umaalingasaw naman ang katotohanan.
Hindi natin tinatawaran ang magandang hakbang na ito subalit sa likod ng maraming usapin at kontrobersiyang kinasasangkutan ng Comelec ay tila mapapaisip tayo kung may patutunguhan ba ito. Kung masusunod ba ito at kung susundin ba ito ng mga kandidato. Sa mga kaso at isyung ipinupukol laban sa komisyon na ilang malalaking usapin ay hindi pa nareresolba o kahit man lang napagtuunan ng pansin ay baka hindi na maniwala ang taong-bayan sa anumang layunin ng Unity Walk, Peace Covenant at Inter-Faith Prayer Rally.
Paano pa magtitiwala ang taong-bayan sa isang sangay ng gobyerno na inaasahang kapanalig nito ang katotohanan at handang protektahan ang isang sagradong karapatan gaya ng pagboto kung ito ay nadungisan na? Ngayon marahil, higit kailanman ay panahon na para patunayan ng komisyon na ito na may kredibildad pa rin ito, na mapagkakatiwalaan pa ito – pagkatapos ng matagumpay na kampanya ng ligtas, malinis at tapat na halalan sa tulong ng mga ibang ahensiya ng gobyerno at seryosong pagsunod ng mga kandidato at mga kapanalig nila, dahil kung hindi ay matinik pa rin ang daan na tatahakin.
PMCJr.

RELATED POSTS

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest