Iringan ng mga Obispo at Digong, may ending pa kaya?

Jan 21, 2019

Mala-telenobela o t eleserye na raw ang litanya ng mga upakan, pasaringan na mistulang parang bastosan  na ang umarangkadang mga patutsadahan sa pagitan ng simbahan at ni Pres. Duterte. Laging may anghang ang mga salitang binibitawan ng pangulo kontra simbahang Katoliko at sumasangga lang naman ang kaparihan. Siguro kung paiiralin ang pagiging tao rin ang mga tinamaang mga Obispo baka may kasama ring pagmumura ang mga reaksiyon nila kontra sa banat ni Digong. Ngunit sa halip na sing-anghang ng siling labuyo ang upak ng simbahan, dalangin na lamang ang tugon na sana’y magbago pa ang ihip ng hangin. Tsk tsk, buhay nga naman. Pati raw buhay ng mga mamamayan ay apektado sa naturang hidwaan. Tanong: may katapusan pa kaya o ending ang kanilang iringan?

*********
Maraming kritiko ang nagsasabing parang binat na binat na raw ang istorya ng isang serye sa telebisyon. Bagamat marami rin ang kumakagat sa kasikatan ng teleseryeng ito, hindi maiaalis ang mga negatibong komento. Ito ngayon ang siste: kung sa teleserye na hindi naman nakabase sa tunay na pangyayari ay binabatikos dahil sa batak na batak daw na istorya (marami raw pasingit na mga kontrobersiya upang humaba pa), ano pa kaya kung mga taong buhay na ang kasama sa isang teleserye gaya ng hidwaan o iringan nina Pangulong Digong at ng Simbahang Katoliko? Hindi na bago ang iringang yan. Noon pang kampanyahan bago eleksiyon sangkatirbang batikusan na, di ba? Tuloy, marami ang nagtataka kung bakit ganon na lamang ang inis o galit ni Pres. Duterte sa kaparihan. Ano-ano ba talaga ang mga dahilan bakit para daw kulog at kidlat ang mga upak ni Digong sa mga alagad ng simbahan?

**********
Kung ating susumahin ang mga binibitawang salita, parang may nakaraang eksena sa buhay ni Digong kung saan taga-simbahang Katoliko ang naging kontrabida. Na para bang nayurakan ang kanyang dangal at dahil dito, nawalan na siya ng tiwala at galang. Talagang mabigat ang kinikimkim na dahilan kung bakit pati na ang diyos (ng sekta) ay nadadawit na. Nakakapangilabot ngunit nangyari na ang batikusan hinggil sa diyos. Gaya naman sa inaasahan, inunawa pa rin ito ng kaparihan at dalangin nilang sana’y magbago pa ang hilatsa ng pananalita ng ating pangulo. At kamakailan lang dahil siguro sa sagad na ang pananalag, hindi na nakapagpigil si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. nang kanyang hamunin si Pangulong Duterte na maglakad nang mag-isa at walang security sa lansangan. Mabigat ang hamong ito kaya pumalag naman ang palasyo sa pamamagitan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na bagamat nais at kayang tanggapin ng Pangulo ang nasabing hamon ay kailangan na sumunod ang Pangulo sa security protocol upang matiyak ang kaligtasan nito lalo’t siya ang humaharap sa mga problema ng bansa. Dagdag pa ni Panelo na kayang tanggapin ni Pres. Duterte ang hamon ni Bacani dahil noong siya’y alkalde pa ng Davao City, mag-isa niya kapag tinutugis ang mga kriminal. In short, hindi matatawaran ang ipinakitang katapangan ni Pres. Duterte noong siya pa ang mayor ng Davao City.

**********
Dahil sa mga upak at sangga ng magkabilang-panig, may huling tsismis: totoo daw ba na gusto na ni Digong na makipag-usap sa mga taga-CBCP? Magandang balita ito kung totoo, mga pards. Kapag nangyari ito, huhupa na ang matinding iringan at hidwaan at banatan. Isa na tayo sa mga dumadalangin na sana ay magkaisa na ang simbahan at ang estado sa pamamagitan ng planong ito. Sana, sa madaling panahon na isagawa ang pag-uusap upang hindi na lalala ang tensiyon. Sabi nga: matamis magpatawad lalo na kung ito ay kaaway. Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

Pag-Upo ni BBM…. Ano kaya????

Habang sinusulat ang espasyong ito….ilang araw na lang, uupo na bilang pangulo ng bansa si BBM. Marami ang nananabik bagama’t may mga...

Dumi ng pulitika….. Salot sa lipunan!

Tapos na ang halalan. Inagurasyon para sa pagkapangulo at bise, hinihintay. Exit ni Pres. Duterte at entrada ni BBM sa Malakanyang…ilang...

BBM-Sarah Proklamado na!

Sa wakas sa ganap na alas 6:42 ng gabi ng Mayo 25, pagkatapos ang napakabilis na canvassing…naiproklama na bilang pangulo at ikalawang...

Sabuyan ng putik… Lalong grumabe pa!

Abril na. Kulang na lang sa apatnapung araw ang kampanyahan…eleksiyon na. Marami ang sabik. Marami rin ang inis. Ang dahilan – lalong...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest