‘VACCINE ACCEPTANCE SA CAR NANATILING MABABA’

LUNGSOD NG BAGUIO – Karamihan ng tao sa rehiyon ng Cordillera ang nananatiling atubili sa mabakunahan ng anti-COVID-19, kahit puspusan ang ginagawa ng mga awtoridad na ipasiguro ang kaligtasan at pagiging epektibo nito. Ang acceptance rate ng mga anti-COVID-19 na bakuna ay mababa pa rin sa mga mahihirap ng pamilya sa rehiyon ng Cordillera, ayon kay DSWD Cordillera regional director Leo Quintilla na ibinase sa kanilang pinakahuling survey sa mga miyembro ng 4Ps at mga nasa ilalim ng “Listahanan” na listahan ng mga sambahayan.
Karamihan ng mga respondents, ani ng director ng ahensiya, ay ayaw magpabakuna dahil sa takot sa mga side effects o masamang epekto ng mga bakuna. ”Puwede ba akong magpabakuna, buntis ako, may sakit ako at maraming tanong,” sinabi niya sa mga tanong ng mga rumesponde ukol sa mga bakuna.
Natukoy niya sa mga tanong mula sa mga respondents na ipinapakita na may kakulangan sa impormasyon at pagkaintindi sa programa ng pagbabakuna. Sinabi ni Quintilla na nakahanda ang DSWD na magsagawa ng malawakang pagpapakalat ng impormasyon sa kaligtasan at pakinabang ng mga bakuna sa mga benepisaryo ng iba’t-ibang social protection programs ng ahensiya, upang mapawi ang kanilang mga takot. Subalit inamin niya na isang hamon ito sa gobyerno.
Sinabi pa ni Quintilla na inihanda na ng DSWD Cordillera ang listahan ng mga mahihirap na residente ng rehiyon na magiging prayoridad sakaling mayroon nang mga bakuna. Sa ngayon ay may 252 na kaso na lamang ang naitala ng DOH-CAR sa lunsod mula sa 5,466 na naitalang kaso mula noong 2020. Ito ay nangangahulugan na marami na sa mga Covid-19 na nagpositibo ang gumagaling sa lunsod ng Baguio.
(AAD/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon