Arestado ang dalawang hinihinalang drug pusher sa magkahiwalay na sting operations sa Baguio noong nakaraang linggo.
Inaresto ng pinagsamang miyembro ng Regional Police Intelligence Agents, Benguet police at Philippine Drug Enforcement Agents ang vegetable packer na si Reynato Calderon Soriano, 42 anyos, residente ng Sitio Tuyong, Brgy. Pico, La Trinidad, Benguet nang magbenta ito ng illegal na droga sa isang otoridad at nang kapkapan ay nakita ang tatlong heat sealed transparent plastic sachets ng shabu noong Hulyo 6, 2018. Isang pouch at cellular phone na ginamit sa kaniyang drug trade ay nakuha rin mula kay Soriano.
Nauna rito, ang parehong grupo ng mga operatiba ang humuli kay Raul Guillao Olsim, 36 mula Buguias, Benguet noong Hulyo 5 sa Session Road, Baguio City mula sa utos ni Judge Danilo P. Camacho, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 62 ng La Trinidad, Benguet.
Nahaharap si Olsim sa paglabag sa RA 9165 bagaman nagpasya si Judge Camacho na maaaring magpiyansa ang suspek ng P200,000 para sa kaniyang pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang kaniyang kaso. A.ALEGRE
July 14, 2018
July 14, 2018
May 17, 2025
May 17, 2025
May 11, 2025
May 3, 2025