VP DUTERTE PUMAYAG NA MABUKSAN SA MOTORISTA ANG KALSADA SA LOOB NG TEACHER’S CAMP

BAGUIO CITY

Pinayagan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang kahilingan ni Mayor Benjamin Magalong na mabuksan sa trapiko ang kalsada sa loob ng Teacher ’s Camp sa mga
pribadong sasakyan mula Disyembre 20 hanggang Enero 20, 2023 para makatulong sa pagpapagaan sa kahabaan ng Leonard Wood Road na nagdudulot ng matindi trapiko pataungo sa mga tourist destination sa Summer Capital.

Agad na pinasalamatan ni Magalong si VP Duterte sa naging aksyon nito sa kanyang kahilingan na malaking tulong para maibsan ang daloy ng trapiko sa lugar,lalong-lalo na ngayong peak tourist season. Ang scheme ay nagpapahintulot sa mga pribadong sasakyan na dumaan sa loob na kalye ng Teachers Camp na nagdudugtong sa Leonard Wood Road at South Drive Road mula 6 a.m. hanggang 9 a.m. at 4 p.m. hanggang 7 p.m. tuwing weekday at 7 a.m. hanggang 8 p.m. sa katapusan ng linggo.

Ang pag-apruba ni Duterte ay napapailalim sa mga kundisyon na ang scheme ay ipatupad sa isang
eksperimentong batayan hanggang Enero 20, 2023 na napapailalim sa mahigpit na pagsubaybay ng pulisya sa mga oras ng operasyon. Sinabi ni Maj. Zacarias Dausen, chief ng Baguio City Police Office Traffic Enforcement Unit, na makikipag-coordinate sila sa Teachers Camp para sa
pagpapatupad ng scheme ayon sa utos ni VP Duterte.

Aniya, malaking ito sa pagdeclog ng mga bottleneck sa lugar tulad ng Ilusorio Drive at Pacdal Rotonda. “Nagpapasalamat kami sa agarang aksyon ng ating Bise Presidente at agad akong nagisyu
ng marching order sa ating traffic policemen, upang matiyak na ang iskema ay maipapatupad nang maayos at walang anumang sagabal sa panahon ng pagsubok,” pahayag ni Magalong. Ang matinding traffic na nararanasan sa kahabaan ng Leonard Woodward road ay dulot ng pagdagsa ng mga turista na nagtutungo sa Mines View Park,Wright Park,The Mansion House, BCC
Christmas Village at sa Baguio Botanical Garden.

Labis ang reklamo ng mga residente na dumadaan sa lugar dahil sa trapiko na dulot ng mga turista, kaya’t hiniling ng city government sa Department of Education na may hawak sa Teachers Camp na mabuksan ang kalsada, na isinara sa motorista noong panahon ng pandemya.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon