LUNGSOD NG BAGUIO – Wala ng backlog sa reverse transcription polymer chain reaction (RTPCR) tests ang lungsod ng Baguio.
Sa kaniyang ulat kay Baguio City Inter-Agency Task Force Chair Mayor Benjamin Magalong ay sinabi ni Dr. Ricardo Ruñez, medical officer ng Baguio General Hospital and Medical Center kung saan nakalagay ang Coronavirus disease (COVID-19) sub-national testing laboratory na sa record time na kulang-kulang isang linggo ay nalinis nila ang kabuuang 2,600 test pileup na sumasakop sa mga Rehiyon 1 at 2 at sa Cordillera Administrative Region kasama ang lungsod ng Baguio.
Pinuri ni Magalong ang grupo sa kanilang pagpapagal habang tinukoy din ang napakahusay na pamamahala ng ilang ospital sa mga pasyente na nagresulta sa mataas na recovery rate. Sa 31 kumpirmadong kaso sa lungsod, mayroong 29 recoveries, isa ang namatay at isa lamang ang aktibong kaso ang natitira.
Sinabi ng Mayor na ang natitirang pasyente ay isang opisyal ng pulis mula Camp Crame kung saan sinabi niya na umuwi siya dahil may vacation leave siya ngunit waring nahawa siya sa sakit mula sa lugar ng kaniyang trabaho. Patungo na siya sa paggaling ayon sa mayor.
Sinabi ni Magalong na sa zero backlog status ng lungsod at sa patuloy na pagtest, umaasa siya ngayon na ang totoong sitwasyon ng COVID sa lungsod ay maitatatag na.
Nauna nang nalungkot ang mayor sa limitadong kapasidad sa pagtetesting ng lungsod na ayon sa kaniya ay nagging sanhi ng pagkaantala sa pagpapantay ng kurba.
Ang kaniyang hinaing ay narinig ni COVID-19 national policy chief implementer Carlito Galvez Jr. at Senator Bong Go na nangakong tutulong sa lungsod upang mapalakas ang kapasidad sa pagtetesting.
Sinabi niya na nakatakdang umakyat sa lungsod si Galvez sa Mayo 21 upang ayusin ang mga kinakailangan na inaasahang kasama ang isang automated extraction machine, 30,000 test kits at consummables at personal protective equipment.
Sinabi ng mayor na ang usapan kay Galvez ay hindi lamang para sa lungsod kundi para na rin sa ibang probinsiya at lungsod sa rehiyon gayundin para sa isang nagkakaisang aksiyon laban sa sakit.
Sa isinagawang Ugnayan press briefing noong Mayo 13 ay sinabi ni Runez na matapos ang isang panandaliang tigil sa testing nitong weekend ay nagging full blast sila sa pagproseso ng 600-700 tests sa isang araw kaya nagawa nilang mapalis ang backlog sa kulang kulang isang linggo.
Sinabi niya na ang kararating na test kits ay mga bago at kinakailangang suriin ng kanilang laboratory personnel. Sinamantala rin nila na makapag-break at mabigyan ng pagkakataon ang kanilang medical technologists na makapahinga bago muling sumabak sa full-time na trabaho.
Inihayag din niRubez na ang apat na PCR machines na nasa pasilidad ay nasa working condition na.
Sinabi niya na may natitira pa silang 5,000 test kits para sa tatlong rehiyon. Umaasa siya na maitatatag na ng Region 2 ang kanilang sariling testing laboratory sa madaling panahon upang lumuwag ang BGHMC sa testing.
APR-PIO/PMCJr.ABN
May 17, 2020
May 17, 2020
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025