Walang iregularidad sa pagtaas ng upa ng Convention Center – Mayor

Nilinaw ni Mayor Mauricio Domogan na walang irregularity sa pagtaas ng upa sa Baguio Convention Center.
Ito ay matapos lumabas ang isyu ng pagtaas ng rentang sinisingil sa mga umuupa sa naturang lugar nang ipatawag ang mga ito ng konseho ng Baguio para magpaliwanag kung bakit patuloy ang kanilang operasyon sa kabila ng kanilang nag-expire na mga kontrata.
Lumabas sa pagtatanong ng konseho na hindi alam ng mga tenants ang dahilan ng pagtaas ng kanilang binabayarang upa.
Pahayag ng Baguio-Rosario Van Operators Drivers Association and Garage Company (Barovada), Tayug Commuters Association Inc.(BTCAI), Smart Communications Inc., at Department of Securities and Exchange Commission, pawang mga umuupa sa Convention Center, sinubukang nilang i-renew ang kani-kanilang mga kontrata sa City Mayor’s Office ngunit wala pa silang natatanggap na tugon.
Napag-alaman sa City Council Session noong Pebrero 6 na maliban sa Smart Communications, lahat ay nagbabayad sa City Treasury Office para sa upa dahil hindi maglalabas ng cheke ang kanilang kompanya kung walang dokumento.
Ayon kay Josepito Paraiso, presidente ng Baravoda, noong 2014, ang kanilang binabayaran para sa walong slots ay P5,000 ngunit nang i-renew ang kontrata noong 2015 ay P10, 000 na ang kanilang binabayaran para sa limang slots sa City Treasury.
Ayon din sa Smart Communications, noong April 2016, nakatanggap sila ng e-mail galing sa Baguio Tourism Office na ipinapataas ang dating bayad sa upa sa P20, 000 mula sa dating P15,000.
Ngunit giit ni Domogan ay dumaan sa wastong proseso ang pagtaas ng upa.
Aniya, mayroon nang bagong kontrata ngunit nasa legal office pa lamang ito at wala pa sa city government. Noreen D. Cruz, UB Intern / ABN

Amianan Balita Ngayon