PINUKPUK, Kalinga – Nagsama-sama ang mga residente na naninirahan sa liblib at matahimik na lugar ng Barangay Wagud, na sinuportahan ng Kalinga Apayao Youth Organization (KAYO), Local Government Unit and Community Support Program (CSP) operators at nagmartsa para sa kanilang solidarity for peace sa Sitio Bonnong, Barangay Wagud, Pinukpuk, Kalinga, noong Mayo 26.
Ang event ay tinawag na “Walk for Peace” na may temang “Lakad Tungo sa Kapayapaan, Iwaksi ang Terrorismo at Karahasan”, ay nagpapakita ng sentimiento ng mga residente sa pamamagtan ng kanilang bitbit na placard na kumukondena at pagtutol sa CPP-NPA-NDF sa kanilang lugar.
Ayon kay Kalinga PPO Provincial Director Davy Limmong, ang ganitong mga okasyon ay ipinapakita ng mga residente, lalo na sa mga liblib na lugar ang kanilang pagtutol na masakop ng terorista at guluhin ang kanilang tahimik na pamumuhay.
“Ilan lamang ito sa mga ipinapadama ng mga residente sa kanilang hinaing kontra rebedeng NPA at sana ay irespeto nila ang hinaing na ito at hayaan ang mga residente na mamuhay ng tahimik.”
Samantala, siyam na rebeldeng NPA na kusang loob na sumuko sa pamahalaan ang pinagkalooban ng financial at livelihood assistancesa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP),noong Mayo 20 sa Poblacion, Natonin, Mt. Province.
Ang pamamagi ng E-CLIP benefits ay kasabay ng blessing at inauguration ng bagong Natonin MPS building, na dinaluhan mismo ni PROCOR Director BGen. Ronald Lee.
Ang benefits ay iniabot ni Mt.Province Congressman Maximo Dalog, Jr., kabilang ang livelihood support na limang rice mill machines at isang welding machine sa anim na rebel returnees sa tulong ni Atty. Sixto Rodriguez, assistant Regional Director ng DOLE-CAR.
Cash assistance naman sa tatlong rebel returnees ang ibinihagi ni Mountain Province Police Provincial Director Col. Ruben Andiso.
Lima sa kanila ay nagsuko ng armas, na pawang taga Natonin, samantalang ang apat na tubong Mt.Province din.
Ang paghimok sa mga rebeldeng NPA para sa pagbabalik-loob sa pamalahaan ay isang programa ng MPPO sa ilalim ng kanilang “OPLAN “BINNAGA”.
Kaugnay nito, dalawang full-time member ng Militia ng Bayan ang bumaw sa kanilang suporta sa Communist Terrorist Groups (CTGs) at boluntaryong sumuko sa Camp Colonel Joaquin Dunuan, Poblacion North, Lagawe, Ifugao, noong Mayo 22.
Zaldy Comanda/ABN