Matapos makatakas sa isang dragnet operation ang isang wanted na drug pusher noong nakaraang buwan, ngayo’y timbog na ng anti-narcotics agents at pulisya.
Ang suspek na si Cliffort Lacambra Remolar, 48, widower, ay natimbog madaling araw ng November 14 sa San Luis Extension Barangay, Baguio City matapos ihain ng mga otoridad ang kaniyang warrant of arrest sa pagbebenta ng iligal na droga.
Nakatakas si Remolar sa mga otoridad sa nangyaring sting operation noong October 8 sa City Camp Alley Extension, City Camp Proper, nasabing lungsod.
Ang drug pusher ay nahaharap sa paglabag ng Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) ng Republic Act Number 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). ACE ALEGRE
November 18, 2017
November 18, 2017
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025