Magnanakaw, ibinalik ang cellphone sa may-ari

Nov 18, 2017

Isang magnanakaw na diumano’y tumangay ng cellphone ng isang 21-anyos na guro mula sa kaniyang bulsa habang abalang inilalagay ang kaniyang payong sa backpack sa kahabaan ng Session Road, Baguio City, hapon ng November 14, ang nagbalik ng dinukot na item sa may-ari.
Huminto diumano ang biktimang si Gabriel Rulloda de Guzman, guro sa isang kilalang money transfer firm sa kahabaan ng Session Road, ibinulsa ang kaniyang Vivo 5S cellular phone at inilalagay ang payong sa kaniyang backpack nang dukutin ang kaniyang cellphone ng suspek na Bryant Goyagoy Ambola, 35 anyos, foreman, mula Tabuk City, Kalinga.
Nang mapansin ng guro na nawawala ang kaniyang cellphone, agad na hinanap ang suspek at ibinalik naman ang kaniyang cellphone.
Napansin naman ng mga nagpa-patrol na pulis ang insidente at agad na hinuli ang suspek sa police station upang masampahan ng kaso.
Samantala, nahuli ng bystanders ang isang magnanakaw matapos nitong mabigong nakawan ang isang tindera sa Camp Allen, gabi ng Martes.
Dinala ang suspek na kinilalang si Raymond Mabitazan Juanbe, 25, jobless, mula Camp 6, Tuba, Benguet, sa isang police station ng mga bystanders na nakahuli sa kaniya matapos nitong subukang tangayin ang bag ng biktimang si Island Nidera Maristela bandang 7:20pm ng November 14.
Naglalakad pauwi diumano ang biktima matapos ang buong maghapong pagbebenta sa palengke nang biglang tinakpan ng suspek ang kaniyang bibig mula sa likod at gulpihin ang biktima habang pilit na tinatanggal ng suspek ang kaniyang bag na naglalaman ng P1,740 na kita nito na nakabitin sa kaniyang leeg.
Bigong makuha ng suspek ang bag nang magpara ng taxing dumaan ngunit nahuli siya ng mga bystanders.
Dinala ang suspek sa police station at mahaharap sa kaso, ayon sa pulisya. ACE ALEGRE

RELATED POSTS

PSBRC

PSBRC

Life is Beautiful para sa mga kabataan na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Bahay Pag- Asa Youth Center, matapos silang surpresahin ng mga...

TULONG MEDICAL

TULONG MEDICAL

Sa pagtutulungan ng Kapulisan ng Kalinga, Local Government Unit at ilang private sectors ng Kalinga, 500 residente ng Sitio Latawan,...

AMIANAN POLICE PATROL

Kalinga shooting leaves one dead, one critical A dental technician was killed while another is in critical condition after they were fired...

AMIANAN POLICE PATROL

BCPO ginawaran ng Gold Eagle Award dahil sa mahusay na pagpapatupad ng PNP Patrol Plan 2030. Isang makasaysayang parangal ang iginawad sa...

OUTREACH PROGRAM IN APAYAO

OUTREACH PROGRAM IN APAYAO

Sa lalawigan ng Apayao, isang outreach program ang pinangunahan ng mga kapulisan na miyembro ng PSBRC Class 2015- 02 “PANABAK-MATAGILA” na...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest