Nagbebenta ng iligal na droga, huli

Huli ang isang nagbebenta ng iligal na droga sa nangyaring sting operation sa Kayang-Hilltop Barangay, gabi ng November 14, 2017.
Ang suspek na kinilalang si Darwin Turqueza Dariano, 43, ay nahuli sa pagbebenta ng isang heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng shabu sa isang undercover PDEA operative.
Nang kapkapan si Dariano, nakita sa kaniya ang dalawa pang sachets ng shabu kasama ang P2,000 buy-bust money.
Dinala ang suspek sa Baguio City Jail at kakaharapin ang paglabag sa Republic Act Number 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). ACE ALEGRE

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon