Working age groups mas apektado sa infections

Headlines

BAGUIO CITY – Sa patuloy ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) dulot ng pagtaas din ng Delta variant cases, ay nagbabala ang City Health Office na majority sa mga working age group edad 20 hanggang 49 years old ang itinuturing vulnerable sector ang madaling tamaan ng infections.

Sa datos ng City Epidemiology Surveillance Unit(CESU) noong Agosto 21, na naitala ang 16,578 confirmed cases, ay 10,272 edad 20-49 category ang tinamaan ng virus. Sa nasabing category, ang edad 20-29 group ang may pinakamataas na apektado ng COVID sa bilang na 4,546, sinudad ito 3,452 cases mula sa edad at 2,274 cases sa edad 30-39 group.

Naitala naman ang 2,214 cases mula sa edad 60-99, pero ang category na ito ang may mataas na bilang fatality rate. Lumitaw na mula sa edad na 90-99 group ray naitala ang mataas na fatality rate na 21.62 percent with 8 deaths out of 37 cases na sinundan ng edad 80-89 group na 20.45 percent o’ 45 deaths out of 220 cases.

Ang edad 70-79 group naman ay 12.15 percent with 79 deaths out of 650 cases at edad 60-69 ay may 6.96 percent with 91 deaths out of 1,307 cases. Wala naman naiulat na namatay sa edad 100-109 age group na tinamaan ng COVID. Mababa naman sa edad 20-29 age group o’ .04 percent (2 deaths), pero mataas sa edad 30-39 na .29 percent (10 deaths) at 1.5 percent o’ 36 deaths sa edad 40-49 group.

Ayon sa CHSO, ang datos na ito ay nagpapatunay na dapat higpitan ng mga vulnerable sector na itinuturing na frontliner ang pag-iingat ngayon umaatake ang iba’t ibang variants, lalo na ang Delta na mas mabilis ang transmissable.

Patuloy din ang panawagan ng city health officials sa mga senior citizens na magpa-bakuna na upang maiwasan ang fatality kapag tinamaan ng virus.

Aminado ang Department of Health na ang vaccine ay hindi 100 percent na panlaban sa virus, pero napakalaki ng tsansa na makaligtas sa infections ang isang bakunado na.

Lumitaw din sa datos, na karamihan sa mga naitatalang severe cases ay mga hindi pa bakunado na nauuwi sa pagkamatay, samantalang sa mga bakunado na tinamaan ng vrus ay mild symptoms lamang na malaing maka-recover.

Sa nakalipas na 8 araw ng Setyembre, ang siyudad ay nakapagtala ng 1,275 kaso ng COVID- 19; 382 recoveries at 17 death (mostly seniors with severe cases).

Noong Setyembre 9, ang siyudad ay nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso na 249 in a day, na dumagdag sa 1,751 active cases; 16,908 recoveries at 366 deaths mula sa kabuuang 19,025 confirmed cases.

Zaldy Comanda/ABN