100,000MT ng cacao inaasahang malilikha ng Pilipinas sa 2022

Feb 5, 2018

LA TRINIDAD, BENGUET – Kinakailangang makapag-produce ang Philippine Cacao Industry ng 100,000 metric tons (MT) ng fermented beans sa taong 2022 para sa pang-export at domestic markets.
Sa nakalap na dokumento mula kay Edwin Banquerigo, Department of Trade and Industry (DTI) Region 11 assistant regional director at national cacao industry coordinator, target ng industriya ang 40-percent na pagtaas ng kasalukuyang production level ng cacao.
Si Banquerigo ay isa sa mga facilitator sa naganap na Cordillera Cacao Investment forum sa Benguet Provincial Capitol noong Enero 24-26.
Nakasaad sa dokumento ang development directions ng sektor, na kinabibilangan ng expansion ng production areas sa buong bansa hanggang 100,000 hectares, pagtaas ng productivity level ng two kilograms per tree per year, pagtuon sa fine flavour cacao beans, pagpapalakas ng market presence sa pamamagitan ng pagpapabuti ng branding, at pagdaragdag ng halaga.
Binanggit pa ni Bangquerigo ang ilang mga estratehiya upang makamit ang development direction: industry strengthening; expansion, and aggressive promotion; improving farm productivity; increase in production; access to quality planting materials; stronger market linkage and promotion; at continuous research and development.
Inihayag din ni Bangquerigo ang kahalagahan ng cacao para sa malawakang pag-unlad. Aniya, ang industriya ay inaasahang magbigay ng mas maraming trabaho at livelihood opportunities at makapag-promote ng pag-unlad sa kanayunan.
Ang mahalaga, aniya, ang cacao ay napapatakbo ng matatag na domestic at export market demand.
Base sa talang ibinigay ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa forum, ang Davao Region ay nagbigay ng 80 percent ng cacao fermented beans noong 2014, habang ang natitirang 20 percent ay mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.
Iniulat sa nasabing forum na ang production ay nakatuon sa Mindanao. P. AGATEP, PNA / ABN

RELATED POSTS

ADIVAY GRAND CANAO

ADIVAY GRAND CANAO

Benguet Rep. Eric Go Yap encourages the people of Benguet to support and be one in celebrating the 122nd Benguet Foundation Day as its...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest