Walang maiiwan’ pangako ni mayor Gualberto sa SOCA

SAN FENANDO CITY, LA UNION  –  Inisa-isang inihayag ni San Fernando City mayor Hermenegildo “Dong” A. Gualberto ang kanyang mga nagawang programa at mga proyekto sa loob ng isang taon nitong panunungkulan at matagumpay nitong hinarap ang ilang mga pagsubok na nagbigay sa kanya ng inspirasyon para magkaron ng katuparan na ang tanging hangad ng kanyang mga kababayan ay ang tunay na progreso, maiangat ang kanilang kabuhayan higit lalo sa mga katutubo  at matiyak ang kapakanan ng mamamayan na nasa sentro ng pamumuno ng lungsod.

Sa ikalawang State of the City Address (SOCA) ni Gualberto ay naka-highlight ang tatlong inisyatiba na layunin matulungan ang bawat residente na maging matipid at ayon sa katayuan sa lipunan na may kapangyarihan.

Ang unang paglunsad ng Negosyo Expo at Merkado iti Umili na lumikha ng oportunidad para sa micro, small and medium enterprises na patuloy naisasagawa ng mga negosyante at maging sa maliit na namumuhunan.

Sumunod ang pagsagawa ng Community Based Monitoring System na kasangkapan para malikom ang socio-economic profile ng sambahayan sa barangay level na ayon sa alkade ay magkaroon ng malasakit sa mamamayan upang maisakatuparan ng lungsod ang mga dinisenyong programa para sa kanilang pangangailangan.

At ang pangatlo ay ang paglikha ng Project UMISU (Umay Mangited Iti Sungbat) ang malawak na saklaw nito at mabilis na aksyon ay mabigyan ng madaliang kasagutan ang mga isyu sa kabila ng lahat ng sektor sa lungsod na kung saan ay nabisita na nito 55 sa 59 na barangays na nabigyan ng attention ang 771 bed ridden at sa mga may malubhang karamdaman na senior citizen.

Idinagdag pa ng alkalde na panatilihin at pagyamanin ang kapaligiran sa lungsod na ipinagmamalaking nakakuha ng 2nd place sa Regional Search for Outstanding Coastal Community ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nahirang na isa sa ASEAN Model Cities for sustainability.

Maging sa Education ay tagumpay nailunsad ang Kusina ng Kalinga project, sa remote school na kung saan ay maraming mag-aaral ang nalilipasan ng gutom, kaya ang programang pagpapakain ay layunin para wakasan ang mga estudyanteng nagugutom, nasa 62.64% benepisyaryong mag-aaral ngayon ang nadagdagan ng timbang.

Ikinagalak rin ng mamamayan ang pag-upgrade ng bagong Barangay Health and Wellness facilities at magdagdag pa ng PhilHealth benepisyaryo na isponsor ng City Government.

At naging karangalan rin ng lungsod ng umani ng award na tanging Lungsod  sa Region 1 na nakatanggap ng Red Orhid Award sanhi ng pagpapatindi ng adbokasiya para sa anti-smoking.

Kinilala bilang finalist sa Most Business Friendly awards para sa three consecutive years na ang San Fernando  ay nasa ranggo na isa sa top 18 component cities nationwide noong 2017 Cities and Municipalities Competitiveness Index na angkop sa City’s progressive economic and business development.

At mahigpit na rin ipinatupad ang traffic ordinances lalo na ang paggamit ng mga pedestrian overpasses para maitaguyod ang kaayusan at disiplina sa mga kalye, magkaroon ng respeto ang bawat isa na sundin ang rule of law.

Sa paghimok ng alkalde sa mamamayan ay sinabi nito, “Naniniwala ako na ang susi sa tagumpay na ating hinahangad para sa ating lungsod ay kayo, ang mga ordinaryong mamamayan na walang sawang nakikibahagi sa mga importanteng diskurso, programa at proyekto ng lungsod. After all, this is our city and we will not succeed until every citizen can contribute to the fulfilment of our vision.” ABN

Amianan Balita Ngayon