Tinutugis na drug dealer, huli sa Abra

LA TRINIDAD, BENGUET – Isang drug dealer na matagal nang tinutugis ng mga otoridad dahil sa mga illegal drug trade nito ay tuluyang nahuli noong Enero 29 ng gabi sa Barangay Riang, Penarrubia, bayan ng Abra.
Si Roderick Bermudez Afroilan alias “Derrick”, 24, ay nagbenta ng dalawang transparent plastic sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P3,000 sa isang undercover agent ng Philippine Drug Enforcement Agency-Abra.
Nakuha ng mga otoridad ang mobile phone unit at Suzuki Raider motorcycle na ginamit ni Afroilan sa kaniyang drug transaction. A. ALEGRE

Amianan Balita Ngayon