Isang 3rd year high school ang binugbog ng kapwa niya mag-aaral sa labas lamang ng kanilang paaralan noong Enero 31, 2017 dakong 4:20 ng hapon.
Ang 15 anyos na biktima ay estudyante ng Baguio City National High School-Main at residente ng Dizon Subdivision, Baguio City habang ang suspek ay kinilalang kabilang sa children in conflict with the law (CICL) na 3rd year high school din sa naturang paaralan at residente ng Tacay Road, Quezon Hill, Baguio City. Ang iba pang mga kasama ng suspek ay hindi nakilala.
Sa ulat ng pulis, lumabas ang biktima sa main gate ng paaralan at nadaanan ang suspek ngunit hindi niya ito pinansin. Nang nasa overpass na ito ay nilapitan ito ng suspek at sinabihan itong “Ba’t ka ba nangingialam sa amin tol”. Bigla na lamang sinuntok ng suspek sa ilong ang biktima na gumanti rin sa supek.
Ngunit tumulong ang mga kasama ng suspek at pinagtulungang bugbugin ang biktima. Isa sa kasama ng suspek ang sumaksak sa kanang kamay ng biktima gamit ang hindi matukoy na matulis na bagay.
Ang mga suspek ay tumakas papunta sa direksyon ng University of the Cordilleras.
Ang biktima na nagtamo ng pinsala sa ilong, ulo, at kamay ay tumakbo pabalik sa loob ng paaralan upang humingi ng saklolo.
Agad naman itong dinala ng adviser nito sa Baguio General Hospital.
February 4, 2017
February 4, 2017
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 23, 2024