Higit P100,000 halaga ng gamit ng 4 estudyante, tinangay

Tinatayang mahigit P100,000 ang halaga ng gamit na tinangay matapos na diumano ay nilooban ang isang boarding house ng apat na estudyante noong Enero 31, 2017, dakong 2:30 ng hapon sa Military Cut Off, Baguio City.
Ang mga biktima ay kinilalang sina Adele Dea Guntalilib Llanillo at Elcid Valencici Constantino, pawang 18 anyos at sina Michael Sherwin Concepcion Baluyot at Shena Domingo Disono, parehong 19 anyos.
Sa ulat ng pulis, nilisan ng mga estudyante ang kanilang boarding house ng 1:30 ng hapon. Dakong 3:30 ng hapon ng parehong araw ay bumalik si Llanillo at nadatnan na nakabukas na ang kanilang mga kuwarto.
Nadiskubreng nawawala ang isang MK wrist watch na tinatayang nagkakahalaga ng P8,000; mini iPod (P30, 000); net book (P20,000); Acer laptop (P25,000); HP tablet (P8,000); Lenovo laptop (P20,000); BS tablet mobile (P3,500); at Cherry Mobile (P3,000).
Sinuri ng pulis ng Station5 ng BCPO ang lugar ngunit walang nakulang latent prints. Pinag-aaralan pa ang kuha ng CCTV camera sa lugar.

Amianan Balita Ngayon