Supervisor ng Tesda, arestado sa libel

Dinakip ng mga tauhan ng City Investigation and Detection Management Unit (CIDMU) ang isang 59 anyos na supervisor ng Tesda-Cordillera noong Enero 31, 2017, dakong 2:30 ng hapon sa Abanao Street, Baguio City.
Kinilala ang suspek na si Roger Valencia Dancel, may-asawa at residente ng Upper Ferguson Road, Baguio City.
Si Dancel ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni judge Nida B. Alejandro ng Regional Trial Court, First Judicial Region, Laoag City, Branch 12 dahil sa kasong Libel.
Binayaran ng suspek ang inirekomendang piyansa na P10,000 para sa pansamantala nitong kalayaan.

Amianan Balita Ngayon