150 ilegal na istruktura sa Dairy Farm, nakatayo pa rin

Sep 3, 2017

Nagulat si Mayor Mauricio Domogan nang matanggap ang isang ulat mula sa kinauukulang lokal na opisina ng gobyerno at law enforcement agencies na mayroon pa ring 150 ilegal na istruktura sa loob ng Baguio Dairy Farm na hindi pa nadedemolish ng pinasanib na mga miyembro ng city demolition team at concerned government agencies.
Sinabi ni Domogan na nasa Department of Agriculture-Cordillera (DA-CAR) at sheriff na sagutin ang mga tanong kung bakit may natitira pang istruktura samantalang nakasaad sa special writ of demolition na inisyu ng local na korte ay para sa demolition ng mahigit 334 ilegal na istruktura na itinayo sa pag-aari ng gobyerno.
Inamin niya na may balidong isyu na umiiral mula sa outright demolition ng maliliit na illegal na istruktura habang ang malalaki ay iniwan diumano para sa susunod na paggiba subalit may mga isyung lumabas na dahilan ng temporary suspension nang isinasagawang demolisyon sa lugar.
“It will up to be the concerned government agencies to explain the delay in the demolition of the illegal structures within the Baguio Dairy Farm property. We should remember that the demolition of the illegal structures was an offshoot of a final and executive decision handed down by a local court and not the local government that is why it is the DA-CAR and that sheriff that will answer all the issues and concerns that have cropped up in the course of the demolition,” pagdiriin ni Domogan.
Iprinoklamang pag-aari ng gobyerno ang 92 ektaryang Baguio Dairy Farm sa ilalim ng Department of Agriculture na siyang dapat gamitin sa produksiyon ng dairy products subalit may malaking bahagi ng lugar ang sinakop ng tumataas na bilang ng informal settlers na nagtayo ng mga illegal na istruktura sa iba’t ibang bahagi ng reservation area.
Ayon pa kay mayor ay maliban sa personnel mula sa City Public Order and Safety Division (POSD), ay nagdeploy ang lokal na gobyerno ng may 100 ‘warm bodies’ mula sa Baguio City Police Office (BCPO) na magsisilbing peacekeeping officers sa implementasyon ng inisyal na demolisyon ng 180 ilegal na istruktura.
Hinikayat niya ang DA-CAR at sheriff na bilisan ang resolusyon ng mga isyu na umusbong sa kasagsagan ng inisyal na demolisyon upang ang paggiba sa natitirang mga istruktura ay magpapatuloy para matapos na ang matagal nang isyu sa squatting sa loob ng pag-aari ng gobyerno.
Inamin ni Domogan na isa sa dahilan ng pagka-antala ng demolisyon ng illegal na istruktura sa loob ng Benguet-Ifugao-Bontoc-Apayao-Kalinga (BIBAK) property sa Harrison Road na naka-iskedyul noong Agosto 15, 2017 ay ang katotohanang hindi na kayang magbigay ng kailangang seguridad ang BCPO dahil halos anim na bahagi ng kanilang puwersa ay nadeploy na sa Baguio Dairy Farm kaya naire-set ang demolisyon sa BIBAK sa Oktubre 15, 2017. ABN

RELATED POSTS

COURTESY CALL

COURTESY CALL

Hon. Jose Warren P. Villa, Vice Mayor San Juan City, Metro Manila paid a courtesy call to Baguio City acting Mayor Faustino A. Olowan at...

URBAN SKETCHING

URBAN SKETCHING

The two artists in the Session: SketchTour of Baguio on September 30 are Aurelio Castro III, sitting and sketching, in conversation with...

PART AT YOUR OWN RISK

PART AT YOUR OWN RISK

-diggings of sewerage projects along Kisad Road cause traffic problems to motorists due lack of road signs Carlos C. Meneses/ABN

AMIANAN POLICE PATROL

4 police commissioned officers nakakuha ng mataas na posisyon sa PROCOR BAGUIO CITY – Apat na police commissioned assumed key positions at...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest