Proyektong parking sa Ganza, pagbigyan – Domogan

Sep 3, 2017

Umapela si Mayor Mauricio Domogan sa mga residente na bigyan ng pagkakataon ang proyektong multi-level podium car parking sa bakanteng lote malapit sa Ganza Restaurant sa dako ng Burnham Park at isaalang-alang ang benepisyong maibibigay ng proyekto sa lungsod.
“We all know that the area has long been used for parking and the project is only intended to maximize its use for the purpose of alleviating the parking problem and generating income for the operation of the park,” saad ng mayor.
Halos 10,000 lagda ang naiulat na nalikom ng “Baguio We Want Forum” upang salungatin ang parking plan at para mapanatili ang kasalukuyang kalagayan ng parke at protektahan ito sa komersalisasyon.
Paliwanag ni Domogan, ang pagpapaayos ng ilang bahagi ng Burnham Park para sa pagkakaroon ng kita ay pinapayagan sa ilalim ng Executive Order No. 224 series of 1995 na inamyendahan upang pahintulutan na maging self-sustaining ang parke.
Sa bisa ng naturang utos, inisa-isa ng lungsod ang mga bahagi ng parke na isasailalim sa development at kinabibilangan ito ng Ganza parking lot at ang lugar ng dating city auditorium.
Nilinaw din ng mayor na ang naturang Ganza parking project ay hiwalay sa proposal na paglalagay ng multi-level parking sa Melvin Jones.
Ang Melvin Jones proposal na noon pang 2002 ay hindi pa naaaprubahan at kailangan pang dumaan sa maraming pagsusuri at konsultasyon.
Ngunit ang bakanteng lugar sa Ganza ay partikular na naitakda para sa paradahan maliban pa sa matagal na itong ginagamit na parking lot kaya isa ito sa nakikitang pagtatayuan ng multi-level parking para magkaroon ng karagdagang paradahan at kasabay nito ay makakalikha ng pondo para sa pangangalaga sa parke.
Noong Mayo ay tatlong konsehal ang nagpasa ng resolusyon na humihiling sa pagpapatayo ng podium car parking sa ilang mga lugar sa lungsod na kinabibilangan ng Ganza, espasyo sa pagitan ng Orchidarium at Children’s Park, sa dating kinalalagyan ng Pantranco, at sa kahabaan ng city library.
Ito ang naisip na solusyon nina Councilors Benny Bomogao, Michael Lawana at Faustino Olowan sa maigting na pangangailangan ng lungsod sa parking areas lalo na sa patuloy na paglago ng turismo at iba pang industriya rito.
Ang naturang proposal ay isinangguni ng city council sa city engineering office, city building and architecture office, at city planning and development office upang bumuo ang naturang mga tanggapan ng agarang plano para matukoy ang mga kalsada sa central business district na maaaring magamit bilang paradahan.
Ang tatlong tanggapan din ang naatasan na magbalangkas ng pangmatagalang plano na kinabibilangan ng pagsasagawa ng feasibility studies para sa pagtatayo ng parking areas sa dako ng lumang city library, Pantranco area, Ganza parking, Camp Allen, slaughterhouse terminal at iba pang naaangkop na lugar at pagtukoy sa lugar ng north-bound at south-bound terminals sa labas ng CBD.
Ang naturang proposal ay isinailalim sa public hearing kamakailan at karamihan sa mga dumalo ay sumang-ayon sa pagpapatayo ng parking facilities ngunit kinuwestyon ng mga ito ang pagkakapili ng mga lugar lalo na sa dako sa city library at sa children’s park.
Nauna rito, isang investor ang nag-propose ng pagtatayo ng multi-use commercial complex sa city auditorium site bilang bahagi ng upgrading ng Athletic Bowl, tennis court at swimming pool sa ilalim ng Public-Private Partnership scheme.
Sa ilalim ng PPP, ang commercial building ay patatakbuhin ng investor habang ang Athletic Bowl at mga pasilidad nito ay mananatiling pag-aari ng pamahalaang lungsod at pangangasiwaan pa rin ng lungsod, ang kita nito ay mapupunta rin sa lungsod.
Ang terms of reference ng naturang proyekto ay inaprubahan ng city council at isinangguni na sa technical working group para magawan ng feasibility study. Aileen P. Refuerzo, PIO / ABN

RELATED POSTS

UNITED VAW-FREE PHILIPPINES

UNITED VAW-FREE PHILIPPINES

The Cordillera Administrative Region kicks off the observance of the 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) with a parade...

MOUNTAIN ENGINEERING SUMMIT 2022

MOUNTAIN ENGINEERING SUMMIT 2022

DOST-CAR on "Navigating the Alex of Mountain Resources through Science and Technology" with (L-R) Mr. Jose H. Dado Jr. - NEDA - CAR, Hon....

LATEST NEWS

BAGUIO TOURIST ARRIVAL UMABOT SA 1.2 MILLION NGAYONG TAON

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinatayang umabot na sa 1.2 milyong o’ 150,000 kada-buwan ang bilang ng mga turista na dumadagsa sa Summer Capital mula noong Marso hanggang buwan ng Nobyembre ngayon taon. Iniulat ni Supervising City Tourism Officer Engr Aloysius Mapalo, na ang...

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two year’s due to the COVID-19 Disease. Mayor Benjamin B. Magalong led the Switching of the Christmas Tree with Congressman Mark Go,...

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

Philippine Airline company gears up to reopen its regular flight from Baguio City to Cebu on December 16, 2022 . Starting with Four Flight per Week, the pioneer PAL service links the City of Pines with the commercial heart of Visayas Region for the first time. In...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa manhunt operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency na pinaniniwalaang nagtatago sa iba’t ibang barangay sa lungsod...

BAGUIO OPENS YULITIDE WITH MAMMOTH CROWDS

BAGUIO CITY - Crowds gathered in a post pandemic show of lights and sound which officially opened the Yuletide in the City of Pines. Hundreds lined the city’s main thoroughfares Thursday evening to witness the symbolic lighting of the city Christmas tree which kicked...

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest