160 slots sa night market extension, bukas para sa vendors

Sep 18, 2017

Upang mapagbigyan ang mga vendor na nagnanais magbenta ng kanilang mga paninda ay palalawigin ng Baguio City Market Authority ang operasyon ng night market sa kahabaan ng Perfecto Street.
Ayon kay city treasurer Alex Cabarrubias ay halos 160 slots ang magiging bakante at bukas para sa mga interesadong tao.
Inutusan ni Mayor Mauricio Domogan ang city engineer’s office na trabahuin ang lighting at markings sa Perfecto Street upang masiguro ang kaligtasan ng mga vendor at customers bago simulan ang operasyon sa katapusan ng buwang ito o unang linggo ng Oktubre.
Samantala ay may 80 regular walk-in vendors ang umaasang mabibigyan ng slots.
Habang nakikinita ng ilang night market associations na magiging kabawasan sa kanilang kita ang pagbubukas ng extension market, ay nais ng mga opisyal ng lungsod na intindihin ang gusto nilang resolbahin ay ang paglaganap ng ambulant vendors na kailangang ma-relocate sa night market area upang maging lehitimo ang operasyon ng kanilang negosyo gayundin sa kapakanan ng kanilang mga pamilya.
Nasa 1,100 vendors ang kasalukuyang nagtitinda sa Harrison Road night market kung saan mga damit, sapatos, accessories, pagkain at marami pang iba ang itinitinda.
Sa loob ng ilang taon ay isang lane ng Harrison Road ang ginagamit mula 9pm hanggang 4am para sa mga night market vendors. Kumokolekta ang lungsod ng P50 bawat gabi bawat vendor. Nakakakolekta rin ang lungsod ng P1.5 milyon hanggang P2 milyon bawat buwan mula sa operasyon sa peak season subalit bumababa sa P1 milyon tuwing tag-ulan.
Magpupulong muli ang BCMA sa Setyembre 18 upang gawing pinal ang rules and regulations sa operasyon ng nasabing extension night market. ABN

RELATED POSTS

UNITED VAW-FREE PHILIPPINES

UNITED VAW-FREE PHILIPPINES

The Cordillera Administrative Region kicks off the observance of the 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) with a parade...

MOUNTAIN ENGINEERING SUMMIT 2022

MOUNTAIN ENGINEERING SUMMIT 2022

DOST-CAR on "Navigating the Alex of Mountain Resources through Science and Technology" with (L-R) Mr. Jose H. Dado Jr. - NEDA - CAR, Hon....

LATEST NEWS

BAGUIO TOURIST ARRIVAL UMABOT SA 1.2 MILLION NGAYONG TAON

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinatayang umabot na sa 1.2 milyong o’ 150,000 kada-buwan ang bilang ng mga turista na dumadagsa sa Summer Capital mula noong Marso hanggang buwan ng Nobyembre ngayon taon. Iniulat ni Supervising City Tourism Officer Engr Aloysius Mapalo, na ang...

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two year’s due to the COVID-19 Disease. Mayor Benjamin B. Magalong led the Switching of the Christmas Tree with Congressman Mark Go,...

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

Philippine Airline company gears up to reopen its regular flight from Baguio City to Cebu on December 16, 2022 . Starting with Four Flight per Week, the pioneer PAL service links the City of Pines with the commercial heart of Visayas Region for the first time. In...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa manhunt operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency na pinaniniwalaang nagtatago sa iba’t ibang barangay sa lungsod...

BAGUIO OPENS YULITIDE WITH MAMMOTH CROWDS

BAGUIO CITY - Crowds gathered in a post pandemic show of lights and sound which officially opened the Yuletide in the City of Pines. Hundreds lined the city’s main thoroughfares Thursday evening to witness the symbolic lighting of the city Christmas tree which kicked...

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest