17 PULIS GINAWARAN NG PARANGAL SA CORDILLERA

LA TINIDAD, Benguet

Pinangunahan ni PRO Cordillera Regional Director, Brig.Gen. David Peredo,Jr., ang paggawad ng
PNP Medals sa 17 pulis sa ginanap na Flag Raising Ceremony sa Multi-Purpose Center, Camp Major. Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet,noong Oktubre 2. Ibinigay ang Medalya ng Kagalingan (PNP Medal of Merit) kina Capt. Ricardo Bengwic at SSg Harvey Gallevo, ng Ifugao Police Provincial Office, para sa kanilang pagsisikap na humantong sa matagumpay na pag-aresto sa isang indibidwal na nakalista bilang No. 7 Most Wanted Person sa Provincial Level ng Ifugao PPO.

Ang parehong parangal ay ibinigay din kina Maj. Mathew Burgos at SSg Allen Tico, ng Benguet PPO para sa matagumpay na pag-aresto sa isang indibidwal na nakalista bilang No. 6 Most Wanted
Person sa Provincial Level ng Benguet PPO. Medalya ng Kasanayan (PNP Efficiency Medal) ay
iginawad kay Col.Arnold Razote, hepe ng Regional Personnel and Records Management Division
(RPRMD), sa pagiging Chairman ng Technical Working Group (TWG) sa paggawa ng IMPLAN sa mga parangal na pinamagatang “Mga Komprehensibong Alituntunin at Parameter sa Paggawad ng
Mga Gantimpala sa PRO Cordillera Personnel”.

Parehong parangal ang ibinigay sa mga Assistant Division Chiefs at TWG members: Lt.Col. Nixon Laoyan; Lt.Col. Jolly Ngaya-an; Lt.Col. Greg Amiyao; Lt.Col. Pelita Tacio; Lt.Col. Allan Guyguyon;
Lt.Col. Rodelio Olsim; Lt.Col. Johnny Balaki; Maj. Aurelio Alabado,: Maj. Willy Dumansi at PEMS Alexander O Sumawang. Gayundin, binigyan ng Medalya ng Papuri (PNP Commendation Medal) sina Capt. Jesson Bay-an at SSg Arnel B Buliyat, ng Regional Mobile Force Battalion 15, para
sa pagsagip sa isang turistang may Alzheimer’s disease sa Camp 4, Tuba, Benguet.

Samantala, ang Certificate of Recognition ay binigay sa Regional Public Information Office at natanggap ni Lt.Col. Carol Lacuta ,Chief RPIO, para sa paghatol bilang pinakamalinis na opisina
ngayong linggo mula Setyembre 25 hanggang 30.

TFP/ABN

Amianan Balita Ngayon