2 kagawad sa Abra, nagsuko ng baril

Isinuko ng dalawang kagawad sa sitio Pacpaca, Barangay Ampalioc, Luba, Abra ang isang baril dakong 3:30 ng hapon noong Enero 2,2019.
Kinilala ang mga barangay kagawad na sina Jose Wa-ay Lambino, 59 anyos, at Prodencio Barcena Tobiag, 49, pawang residente ng naturang lugar, na nagsuko ng isang homemade caliber .22 magnum rifle, na may markang “handcrafted for Atty. Boy Gayao” na walang bala. Diumano, ang naturang armas ay boluntaryong isinuko ng kanilang kapitbahay.
Ang armas ay nasa kustodiya na ng Luba police station para sa dokumentasyon bago ipasa sa Abra PCLO para sa ballistic examination.

Amianan Balita Ngayon