Arestado ang dalawang lalaki sa pagnanakaw bandang 7:10pm ng Agosto 20, 2018 sa kahabaan ng corner Lower Gen. Luna Road at Upper Magsaysay Avenue, Baguio City.
Inireklamo ni Dhee Anne Delos Santos Dumagcao, 31anyos, admin officer, at residente ng Ma. Basa St., Pacdal, Baguio City ang dalawang suspek na sina Abdullah Gunting Calauto, 21, walang trabaho at residente ng Alisto Bldg., Padre Burgos Street, Baguio City, at Jamal Mamintal Macalandap, 22, tubong Marawi City at residente ng Tata Malawi, Km.4 Marcos Highway, Baguio, na nagtulungan upang makuha ang Vivo Y69 gold cellphone ng biktima.
Sa imbestigasyon, bandang 6:30pm ng parehong araw, nagtungo ang biktima sa Tiong San Bazaar 2 sa Upper Magsaysay Avenue. Matapos makapamili, lumabas ang biktima sa grocery store at naglakad sa pedestrian lane patungong Malcolm Square. Nang makatawid, at narating ang hagdan ng corner Lower Gen. Luna Road malapit sa Metro Bank, inilagay niya ang kaniyang cellphone sa kanang bulsa ng kaniyang jacket. Nang gagamitin na niya ang kaniyang cellphone, napansin niyang nawawala na ito.
Nang makauwi ang biktima sa kaniyang bahay ay tumawag ang kaniyang kaibigan sa isa pa niyang cellphone number at ipinapaalam na ang kaniyang cellphone ay nabawi ng mga otoridad mula sa dalawang suspek.
Agad na kinuha ng biktima ang box ng kaniyang cellphone at pumunta sa Police Station 7 at positibong nakilala ang narekober na cellphone. Nagsasagawa diumano ang mga otoridad ng anti-criminality sa lugar nang makita ang dalawang suspek na kinuha ang cellphone kung kaya sinundan ang mga suspek at hinuli.
Ang kaso ay iniharap kay Inquest Prosecutor Ma. Nenita Opiana at ibinaba niya ang preliminary disposition na nag-utos sa mga otoridad na ilipat ang kustodiya ng mga suspek sa Baguio City Jail.
August 28, 2018
August 29, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025