Sinaksak ng isang 60 anyos na magsasaka ang isang 67 anyos na lalaki at binugbog ang isa pa habang nasa isang pagtitipon dakong 5:30 ng hapon noong Setyembre 12, 2018 sa Tinoc, Ifugao.
Sa ulat ng pulis ay kinilala ang dalawang biktima na sina Singa Edward Dayao, 67 anyos, balo, at Anthony Edward Dayao, 44 anyos, may-asawa, kapwa magsasaka at residente ng Landing, Poblacion, Tinoc, Ifugao habang ang suspek ay si Rodolfo Magarro Libao, 60 anyos, isa ring magsasaka, tubong Sudipen, La Union, at residente rin ng Landing, Poblacion.
Napag-alaman sa isinagawang imbestigasyon na ang mga biktima at suspek ay dumalo sa isang pagtitipon nang nagkaroon ng pagtatalo ang mga ito. Bigla na lamang sinaksak ni Libao si Singa Dayao nang walang rason at isinunod na binugbog si Anthony Dayao.
Ang mga biktima ay isinugod sa Tinoc District Hospital habang ang suspek ay isinuko ng kamag-anak sa mga pulis.
Nakuha rin ng mga rumespondeng tauhan ng Tinoc Municipal Police Station ang kitchen knife na ginamit ng suspek.
September 19, 2018
September 19, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025