2 Regional drug personality, nalambat

Police Patrol

LA TRINIDAD,Benguet – Dalawang regional drug personality ang magkasunod na nalambat sa magkahiwalay na drug operation sa siyudad ng Baguio. Sa ulat na natanggap ni BGen, Ronald Oliver Lee, regional director ng Police Regional Office-Cordillera, nakilala ang nadakip na sina Troy John Cabatu De luna, 21, residente ng La Trinidad, Benguet at Mark Laurel Dizon Manipon,34, residente ng Sta. Scholastica Village, Baguio City.

Ayon kay Lee, si De Luna ay isang High Value Individual (HVI) na isa sa Regional Top Ten Illegal Drugs Personality (RTTIDP) na nasakote sa isinagawang buy-bust operation ng Baguio City Police Office at Philippine Drg Enforcement Agency- Cordillea sa may Lower Magsaysay Avenue, Happy Homes, Baguio City,noong Setyembre 6.

Nakuha ng mga operatiba sa suspek ang isang plastic sachet ng 2.5 gramo ng shabu na may halagang P17,000 at isa pa plastic sachet na naglalaman ng 5 gramo ng shabu na may halagang P34,400.00; isang small sachet ng dried marijuana at boodle money na ginamit sa buy-bust.

Si Dizon na isa ding RTTIDP ng PROCOR ay nasakote din sa buy-bust operation sa may Military Cut-off,Baguio City at nahulihan ng isang gramo ng shabu na may halaang P6,800.

Zaldy Comanda/ABN