2 sasakyan papuntang Baguio, nagkabanggan sa Kennon Road

Nagkabanggaan ang dalawang sasakyang papunta sanang Baguio City bandang 3pm ng November 9, 2017 sa Sitio Bridal, Camp 1, Kennon Road, Tuba, Benguet.
Ang Isuzu Elf truck na may plakang RJU 543 at minamaneho ni Erwin Romero Domingo 41, married, at residente ng Molave, San Isidro, Tarlac City ay nasagi ang isang itim na Ford Everest na may conduction sticker IN 7414 at nakarehistro sa pangalan ni Ariel Delmo ng Phase 1, San Lorenzo St. Malitlit, Sta. Rosa, Laguna, na minamaneho ni Jelbert Delos Santos Onza, 35, married, tubong Aguiar, Pangasinan.
Sa imbestigasyon, papuntang Baguio City ang dalawang sasakyan, nang huminto ang Ford Everest dahil sa traffic subalit nang nag-overtake ang Isuzu Elf truck na nasa likod nito. Ngunit ang likod ng Elf ay sumagi sa harap ng Ford kaya nagtamo ng sira sa tail light, rear bumper, scratches at dented rear sidings sa hindi pa malamang gastos. Isang pasahero ng Ford Everest na kinilalang si Ansari Flores Pangandaman, 48, married, businessman, tubong Camarines Sur at residente Aguilar, Pangasinan ay nagtamo ng back pain pagkatapos ng insidente. Ang kaso ay nasa follow-up investigation.
 

Amianan Balita Ngayon