2 tulak ng shabu timbog sa Abra

Natimbog ang dalawang tulak diumano ng shabu matapos ang isinagawang raid sa kanilang tirahan sa lalawigan ng Abra ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at ng Bangued police noong hapon ng May 18, 2017 sa bayan ng Bangued.
Ayon sa ulat ng PDEA-Cordillera, nagsagawa ng isang raid sa tahanan ng mga suspek na sina Arlene Castillo Landa, alyas Liberty, 43 anyos, at ng isa pa na si Jeffrey Bisares Nunez, alyas Ekong, 39 anyos, isang electrician sa isang cooperative sa bayan ng Bangued. 
Nakumpiska ang pitong plastic na maliliit na may lamang shabu na nagkakahalaga ng P35,000 at ilang mga gamit sa droga. Nakumpiska rin ang isang Cal.45 na may kasamang mga bala na nakalagay sa isang magazine ng baril.
Nakapiit ngayon ang dalawa sa Bangued Municipal Jail habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia), na nakapaloob sa Article II ng Republic Act Number 9165 at illegal possession ng baril na walang kaukulang lisensya. Ace Alegre

Amianan Balita Ngayon