Ginang, sinaksak ang lasing na ka-live in

Bunsod ng pagkayamot ay sinaksak ng isang ginang ang kanyang lasing na live-in partner, umaga ng Mayo 17 (Miyerkules), sa Lagayan, Abra.
Humantong sa pananaksak ang pang-uudyok ni Raul Bangbang Parinas, 45, sa kinakasamang si Vilma Bugarin Layao, 46, na binato pa nito ng upuan bunsod ng kalasingan.
Ayon sa Abra police, sa ulat ng Lagayan police station ay naireport ang insidente sa pamamagitan ni Sangguniang Bayan member George Seguerra.
Diumano ay umuwi nang lasing si Parinas at naghahanap ng away, binato nito ng upuan si Layao ngunit nakaiwas ang babae.
Patuloy ang pagtatalo ng dalawa hanggang sa nahawakan ni Layao ang isang kitchen knife at sinaksak ang katawan ng kinakasama.
Ang biktima ay dinala sa Lagayan Health Center at kalaunan ay inilipat sa Abra Provincial Hospital.
Hinuli ng mga pulis si Layao at kinumpiska ang kitchen knife. Ace Alegre
 

Amianan Balita Ngayon