2 wanted ng pulis, arestado sa Ifugao

Arestado ang number 8 topmost wanted at isa pang menor de edad noong Mayo 3, 2017 sa probinsya ng Ifugao.
Ang suspek na itinangging pangalanan ng pulis ay nahuli ng tracker team ng Aguinaldo police sa pangunguna ni PSInsp Vicky Panaligan Pabula, hepe ng pulis, sa Ambatang, Ta-ang, Aguinaldo, Ifugao. Ang pag-aresto ay sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Judge Rufus G. Malecdan Jr. ng RTC Branch 15 sa kasong rape na may kaugnayan sa R.A 7610 (Anti-Child Abuse Law) na may inirekomendang piyansa na P120,000.
Ang suspek na no. 8 top most wanted person regional wide sa 2nd quarter ng 2017 ay dinala sa Alfonso Lista District Jail, Alfonso Lista, Ifugao.
Sa parehong araw ay isang 17 anyos na lalaking residente ng Pugol, Lamut, Ifugao ang hinuli ng tracker team ng Lamut police sa pangunguna ni SPO4 Ricardo C. Bengwic.
Ang suspek ay inaresto sa Poblacion East, Lamut, Ifugao sa bisa ng arrest warrant ni Judge Romeo U. Habbiling ng RTC Branch 14, Lagawe, Ifugao, sa kasong theft na may piyansang P20,000.
Ang suspek ay nasa kustodiya ng Provincial Crisis Intervention Center ng Provincial Social Welfare and Development Office, Poblacion North, Lagawe, Ifugao. Sa ulat ni PO3 Rhoderick B. Tumitit/PNP-Ifugao

Amianan Balita Ngayon