CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO, La Union – Dalawang wanted person ang nadakip sa Oplan Galugad na isinagawa ng Police Regional Office 1 (PRO1) noong umaga ng Enero 23.
Nabatid kay Chief Superintendent Romulo Sapitula, regional director, ang mga nadakip ay sina Jordan R. Rivera, 25 years old, single, student pastor ng Abundant Grace Bible Institute at nakatira sa Tuding, Itogon Benguet at Samuel T. Dangpa, local artist/videographer at nakatira sa Sitio Lanas, Loo, Buguias, Benguet.
Ayon sa ulat, si Rivera, ay No.1 Most Wanted Person sa Benguet at dinakip ito sa bisa ng Alias Warrant of Arrest sa kasong rape sa La Union at nasakote ito sa kanyang hideout sa Paltog, San Fabian, Kayapa, Nueva Vizcaya.
Si Dangpa ay may kasong paglabag sa Section 5 (b) of R.A. 7610 sa sala ni Judge Alpino P. Florendo, ng Branch 30, RTC, San Fernando City, La Union.
Ayon kay Sapitula, mula Enero hanggang sa kasalukuyan ay nakadakip na ng 161 wanted persons sa rehiyon sa ilalim ng pinaigting na “Oplan Galugad” na pawang inisyuhan ng warrant of arrest ng korte.
ZC
January 28, 2019
January 28, 2019
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025