3 drug pushers, arestado sa Cordillera

Police Patrol

LA TRINIDAD, BENGUET – Arestado ang dalawang drug peddlers sa buy-bust operation na isinagawa ng pinagsamang operatiba ng Baguio City Police Office at ng La Trinidad MPS, at sa pagsilbi ng warrant of arrest sa Abra.

Ang target ng operasyon ng pinagsamang Drug Enforcement operatives ng BCPO, Benguet PPO at ng Regional Office ay ang 30 anyos na drayber, isang drug pusher na naaresto sa kahabaan ng Shuntog Street, Brgy. Rizal Monument, Baguio City, gabi ng Setyembre 24, 2018.

Kinilala ang naarestong drug trader na si Giovannie Ace Ramos Octaviano alyas Ace, 30, drayber, at boarder ng Pinsao Pilot, Baguio City, na nagbenta ng sachet na hinihinalang shabu sa isang agent na nagkunwaring poseur buyer. Nasamsam mula sa suspek ang walong small heat sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu, cash na nagkakahalaga ng P500, boodle money na nagkakahalaga ng P6,500, isang itim na plate number, iba’t ibang drug paraphernalia habang ang kaniyang Hi-Ace van na sasakyan na may plakang PQW 491 ay inimpound.

Isa pang drug dealer ang naaresto ng parehong operatiba sa kaniyang residente sa Betag, La Trinidad, Benguet hapon ng parehong araw. Kinilala ang naarestong dealer na si Francis Aowing Ballangan, 32, tubong Tinglayan, Kalinga. Bago ang kaniyang pagkadakip, nagbenta ang suspek ng sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa isa sa police agent na nagkunwaring poseur buyer. Nasamsam sa suspek ang dalawang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakalagay sa itim na small pouch, isang itim na Alcatel cellular phone at P1,000 na buy bust money.

Sa bisa naman ng warrant of arrest, ang tracker team ng Dolores at Bangued MPS ay naaresto si Hilario Barte Guerrero, 43, drayber, sa kaniyang residente sa Brgy. Calumbaya, Dolores, Abra umaga ng Setyembre 25, 2018.

Inilabas ni Judge Corpus B. Alzate, regional trial court presiding ng First Judicial Region Branch 2, Bangued, Abra ang warrant of arrest para sa paglabag sa RA 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Board of 2002 na may recommended bail na P40,000 para sa kaniyang pansamantalang kalayaan. PROCOR PIO