3 katao huli sa mga iligal na baril sa Abra

LA TRINIDAD, BENGUET – Nadakip ang tatlong katao ngayong linggo sa Abra kasama ang mga iligal na baril na nakatago sa kani-kanilang tirahan habang patuloy ang kampanya ng Cordillera police laban sa mga kriminal, lalong-lalo na ang mga loose firearms at guns-for-hire.
Arestado si Cesar Frio Blanes, 48, butcher, mula sa Sitio Turod, Calaba, Bangued, Abra, noong hapon ng Huwebes habang si Manuel Malaggay Labaoan, 40, driver, mula Brgy. Cabaroan, Bayan ng Tayum ay dinala sa prisinto noong Miyerkules ng umaga upang matanong. Ito ay matapos mahuli kay Blanes ang Colt MKIV Cal. 45 pistol na may Serial No. 835621, at 12 live ammunition bullets habang nakita sa bahay ni Labaoan ang Cal. 45 Colt MK IV na may serial number 258910, isang magazine assembly, walong bala at isang holster.
Iniutos ni Regional Trial Court branch 1 ng Bangued at Branch 58 ng Bucay Judge Raphiel Alzate, Bangued at Bucay ang raid sa pamamahay ng dalawa.
Sa isa pang raid, dinala sa police station si Angelo Dacanay Alfiler alias Gelo, 47, mula barangay Velasco, Tayum, matapos makita sa kaniyang tirahan ang isang cal. 22 Armscor rifle, walang serial number at apat na bala.
Ipinila ang kasong Violation of RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa tatlong suspek, ayon sa Cordillera police. “Were it not for the timely and judicious disposition in the conduct of Police Operations the aforementioned firearms could have been gone to the wrong hands,” ani Cordillera police director Chief Supt. Elmo Sarona.
Ang pulisya ng Cordillera ay nagpapatuloy sa kampanya laban sa mga iligal na baril at nangakong manghuhuli pa upang masugpo ang mga gun-related violence sa lansangan. ACE ALEGRE

Amianan Balita Ngayon