3,000 trike drivers at NGAs nakibahagi sa Covid-19 mass testing

Provincial

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union – Nasa 3,000 public tricycle drivers kasama ang mga empleyado ng iba’t-ibang National Government Agencies (NGAs) ang makibahagi sa tatlong araw na Covid-19 mass testing o National Government’s Aggressive Community Testing (ACT) sa Poro Point Management Corporation (PPMC) grounds na nagumpisa noong Martes (Oct. 20,2020) dito.

Ayon sa City Incident Management Team ng San Fernando City, ang tatlong araw na aktibidad ay layong magsagawa ng RT-PCR o swab testa sa 2,213 rehistradong pampublikong tricycle drivers dito at ang iba ay mga empleyado ng iba’t-ibang NGAs.

Ang mga testing kits na ginamit ay ibinigay ng PPMC bilang bahagi ng kanilang corporate social responsibility habang ang City Government ay nagbigay din ng pagkain para sa swabbing team at mga kliyente.

Ang ACT ay pinapangunahan ng National COVID-19 Inter-Agency Task Force, National Task Force (NTF) for Coronavirus Disease-2019 (COVID-19), Regional IATF, Office of Civil Defense (OCD), Department of Health (DOH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard (PCG), Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of the Interior and Local Government (DILG), Bases Conversion and Development Authority (BCDA), sa kooperasyon ng Provincial Government of La Union (PGLU) at ngPPMC.

EB/PMCJr.-ABN