NTF-CODE Team nagsagawa ng agresibong community testing sa Pangasinan

LINGAYEN, Pangasinan – Ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 at ang Coordinated Operations to Defeat Epidemic (C.O.D.E.) Team ay nagsagawa ng isang agresibong testing sa mga probinsiya bilang bahagi ng Test, Trace, Treat strategy upang mahanap ang mga kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Director Florinda Princess ‘Pebbles’ Duque of the Presidential Communications Operations Office (PCOO) na isang protocol na uumpisahan ang paghahanap ng active case sa pamamagitan ng maigting na koordinasyon sa pagitan ng ilang ahensiya ng gobyerno at mga komunidad sa buong bansa.
“One component is the conduct of the aggressive community testing (ACT) where the provinces of Pangasinan and La Union were identified to be the venues for Region I,” ani Director Duque. Sa Pangasinan, sa pakikipagtulungan sa provincial government, ang swab testing gamit ang reverse transcription polymerase chain reaction (RTPCR) ay nag-umpisa noong Oktubre 19 sa Narciso Ramos gymnasium sa bayan ng Lingayen.
Sinabi ni Director Duque na ang mga prayoridad sa tatlong-araw na libreng swab testing ay ang mga may exposure sa mga pasyente ng COVID-19 upang agad malaman ang mga kaso at mabigyan sila ng kinakailang pangangalaga.
Sinabi ni Mark Torres ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at head ng ACT Team na ang na-swab na mga tao ay ihihiwalay hanggang matanggap nila ang resulta ng RT-PCR test habang ang mga confirmed patients ay isasailalim sa quarantine sa mga tamang pasilidad sa loob ng 14 na araw hanggang ma-swab sila muli at ikonsiderang clinically recovered.
“In order to cater to more individuals, aside from the swab testing being done at the Narciso Ramos gym, the Oplan Kalinga team will join the Provincial Health Office personnel who are already conducting swab testing activities in the different municipalities of Pangasinan,” sabi ni Torres sa isang aguulong.
Hanggang Oktubre 20, nasa 545 katao ang na-test na ng CODE Team na may 273 at 272 sa una at ikalawang araw. Sinabi ni Provincial Health Officer Anna Ma. Teresa De Guzman na ang provincial government ng Pangasinan ay nagsasagawa na ng targeted mass testing sa probinsiya mula pa noong Mayo 5 at isang national team na sasama sa kanila ay lubos na tatanggapin at pasasalamatan.
Dahil sa bagyong Pepito, ang nakatakdang pagbisita ng NTF CODE Team sa Pangasinan sa pangunguna ni Secretary Carlito Galvez, Jr, chief implementer ng Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID); Sec. Vivencio Dizon, chief testing czar; at Health Secretary Francisco Duque III kasama si chief contact tracing czar, Baguio City Mayor Benjamin Magalong noong Oktubre. 21, ay ipinagaliban.
VHS-PIA Pang./PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon