LUNGSOD NG BAGUIO – Arestado ang apat katao sa pagnanakaw bandang 12:50pm ng Agosto 28, 2018 sa intersection ng Lower General Luna Road at Assumption Road, Baguio City.
Ang biktima ay isang dalagitang nakilalang si Nicole Legaspi Domalanta, 16 anyos, senior high student ng University of Baguio at residente ng Magnolia Street, Upper Q.M., Baguio City, habang ang mga suspek ay sina Briggs Austria Balacdao, 26 anyos, residente ng Gumatdang, Itogon, Benguet; Eldrick Paul Villamor Ventura, 31 anyos, residente ng Pinsao Pilot, Baguio City; Brando Salado Candano, 24 anyos, residente ng Young Subdivision, Bakakeng Central, Baguio City; at Ruby Ann Salvador Santos, 28 anyos, at residente Upper Quezon Hill, Baguio City.
Sa imbestigasyon, sinundan ng mga suspek ang biktima habang naglalakad sa nasabing lugar upang pumasok sa kaniyang eskwelahan at binuksan ng mga suspek ang backpack ng biktima at tinangay ang iPhone 6 plus cellphone nito.
Nakita ni PO3 Patrick Lamog ang insidente kaya tumawag siya ng backup at inaresto ang mga suspek.
Nabawi ng biktima ang kaniyang cellphone na nagkakahalaga ng P40,000 mula sa mga suspek. Ang kaso ay nasa inquest proceedings.
September 2, 2018
September 2, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025