Huli sa CCTV ang pagnanakaw ng apat na kabataan sa isang grocery store sa Daguitan Street, Dagupan Centro, Tabuk City, Kalinga.
Nagreklamo ang biktimang si Daisy Mosing Laquiwed, 35 anyos, negosyante at may-ari ng grocery store sa nasabing lugar, na nagpunta sa Tabuk CPS upang iulat ang pagnanakaw sa kaniyang grocery store ng hindi pa nakikilalang mga suspek.
Nakapasok ang mga suspek sa sinirang padlock ng kaniyang accordion sliding steel door at ito rin ang ginamit sa pagtakas.
Sa imbentaryo ng biktima, ang mga ninakaw ay: 30 piraso ng TM prepaid sim cards na nagkakahalaga ng P900; isang cartoon ng coins na nagkakahalaga ng humigit kumulang P50,000; 10 reams ng Marlboro cigarette – P800; apat na reams ng Fortune Lights cigarette – P2,080; isang Gasul Tank na may gas – P2,800; 20kg ng bigas – P1,000; iba’t ibang pabango – P2,500; iba’t ibang carbonated beverages – P2,500; at pitong boxes ng lighter – P600.
Nagkakahalaga ng halos P63,180 ang kabuuan ng mga ninakaw na items. Dinala ng complainant ang CCTV footage ng insidente sa Tabuk CPS na humantong sa pagkakakilanlan ng dalawa sa apat na lalaking suspek sa pamamagitan ng E-rouges gallery. Kinilala ang dalawang suspek na sina Carlo Rirao, 20 anyos, may asawa at residente ng Ubbog, Magsaysay, Tabuk City, Kalinga, at Julymark Tagimaton Macocay, 18 anyos, single, at residente ng Bulanao, Tabuk City, Kalinga.
Nagsagawa ng hot pursuit operation ang tracker team ng Tabuk CPS bandang 9pm na parehong araw at nahanap ang suspek na si Macocay. Sa panayam sa suspek, isiniwalat niya ang tatlong kasamahan na sina Michael Baysa Castillo, 19 anyos, single, OSY at residente ng San Francisco, Dagupan West, Tabuk City; Lemar Daodaw Paloma, 21 anyos, may asawa at residente ng Dagupan West, Tabuk City; at ang isa pang suspek na si Rirao na nakatakas.
Ang ilang ninakaw na items ay narekober sa tatlong susek kabilang ang anim na reams ng sigarilyo sa iba’t ibang brands, mga barya na P794, isang piraso ng TM prepaid sim card; at 30 piraso ng disposable lighters. Ang mga suspek at items ay dinala sa Tabuk CPS para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon habang inihahanda ang kaso.
November 1, 2024
October 26, 2024
October 26, 2024
October 19, 2024
October 12, 2024