PANGASINAN – Nagdeklara ng suspensiyon ng klase ang kabuuang 44 bayan mula sa 48 bayan at lungsod ng probinsiya dahil sa malakas na pag-ulan noong Hulyo 18.
Sa panayam kay Patrick Aquino, operation staff ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), na ang mga bayan ng Natividad, San Nicolas, Sison at Urdaneta City lamang ang hindi nagdeklara ng suspensiyon ng mga klase.
“There is still no flooded areas so far except in Dagupan City, which is not within our jurisdiction since it is a chartered city,” ani Aquino.
Diin niya na ang tropical depression Inday ay pinapalakas ang southwest moonson, at nagdadala ng malakas na pag-ulan sa probinsiya. Pinapayuhan niya na ang mga local government units “na bantayan ang kondisyon ng panahon upang maagang makapagbalita ng kanselasyon ng mga klase kung kinakailangan”.
Samantala, pinapayuhan din ang mga mangingisda na mag-ingat kung sila’y maglalayag, habang hindi pa nagbibigay ng babala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
“Fishermen should listen to radio or watch the television for news updates regarding the weather,” ani Aquino.
Sa lungsod ng Dagupan, nakakaranas ng pagbaha ang mga residente sa ilang bahagi ng central business district at ilang bahagi ng Barangay Pantal simula pa noong Hulyo 14 dahil sa high tide.
“The high tide today (Wednesday) starts at 11:53 a.m. until 9:00 p.m., which is at .9 meter level of water,” ani Davidson Chua ng City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Dagdag niya na ang Sinocalan River ay nananatiling nasa 4.62 meters below alarm level ng 10am ng Hulyo 18, kaya hindi pa inaasahang babaha sa mga kalapit na lugar. H.AUSTRIA, PNA / ABN
July 23, 2018
July 23, 2018
May 3, 2025
May 3, 2025